WARNING!!
Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!
Sharmaine's POV
Tatlong linggo na ang nakakalilipas matapos kong masaksihan ang mga kabrutalang pagpatay na ginawa nina Jaymee at Miss Aede sa mga kaklase ko. Hanggang ngayon, Hindi ko pa rin makakalimutan ang buong nangyari at lahat ay bumabalik sa t'wing ipinipikit ko ang aking mga mata. Pilit ko mang kalimutan lahat, Pero parang hindi ko na mabura ang lahat sa aking isipan.
~~
Napaiyak nalang ako na tulala na tinignan ang posteng tumapon kay Kai. Sobrang pagsasakripisyo ang ginawa niya sa lahat pero bakit pa siya nawala sa huli? Kung hindi lang niya ako itinulak palayo sa poste ay siya dapat ang mabubuhay at hindi ako.
Binabalot na ng apoy ang buong campus at malapit na itong masira pero hindi pa rin ako tumatayo at nanatiling nakaluhod pa rin sa lupa. Nakatingin lang ako sa kawalan na parang wala sa aking sarili na pilit pang kinukumbensi ang aking sarili na ang lahat ng to'y panaginip ko lang. Pero napakatotohanan naman tong lahat ng nakikita ko ngayon para maging isang panaginip.
Diyos ko. Kung nanaginip lang ako, Gisingin niyo na po ako. Gusto ko nang bumangon sa aking higaan.
Hindi ko alam pero unti unti nalang lumabo ang paningin ko at dahang dahang humiga nalang sa lupa. Wala na akong pakialam kung pati ako masunog sa apoy, Bahala na.
Nagising nalang ako sa loob ng hospital na kita ko pang umiiyak si Mama at Papa.
"Mama? Papa?" Tawag ko sa kanila ng mahina at napalingon naman sila sa akin.
"Sharmaine, Anak. Mabuti at gising ka na." Yinakap pa ako ni Mama na humihikbi pa siya.
"Ano po bang nangyari?" Napakunot noo ako.
"Nakita namin sa isang cctv na nakasabit sa isang poste ang buong pangyayari." Biglang pumasok ang isang lalaki sa kwarto na nakasuot pa ng pampulis na uniporme. Si Detective Harrison? "Nakita ka din namin doon sa cctv na nag aagaw buhay na ng dahil napalibutan ka na ng apoy, Pero mabilis na rumesponde ang mga kasamahan ko at agad kang tiulungan na dalhin dito sa hospital." Paliwanag pa niya.
~~
Nakatingin ako ngayon sa salamin habang pinagmasdan ko pa ang repleksyon ko na nakasuot ng itim na bestida. Ngayong araw kasi na ito gaganapan ang huling pamamaalam sa mga lahat ng namayapa kong mga kaklase sa pamamagitan ng pag iiwan sa kanila ng mga dasal at bulaklak.
Hindi ko man gusto pero pinilit ko nalang ang sarili ko na makadalo sa pamamaalam sa huling pagkakataon. Gusto ko ring mag iwan ng mga dasal sa bawat isa sa kanila. Lalong lalo na kay Kai.
"Oh, Anak, Ready ka na ba?" Tanong sa akin ni Mama ng makalabas ako ng kwarto. Tumango nalang ako sa aking ulo at pinilit pang ngumiti sa kanya.
Nakarating na kami sa memorial park kung saan gaganapan ang huli naming pamamaalam. Nakapaligid lahat ng mga nag iiyakang mga magulang na pumunta sa mga puntod ng mga kani kanilang anak. Alam ko kung ano ang nararamdaman nila ngayon. Sobrang sakit mawalan ng mahal mo sa buhay lalo na kung namatay sila sa mga hindi pinapaalam sa kanila ang mga rason sa pagkamatay ng mga anak nila.
Nagfile ng kaso ang mga magulang ng mga namayapa kong mga kaklase sa principal namin para mapagbigyan ng hustisya ang mga anak nila. Wala silang ibang sinisisi kung di ang mataas na pinuno ng school namin dahil daw bakit ipinatago sa mga magulang ang pagkamatay sa mga anak nila.
Napilitan na ring ipinasara ng publiko ang Saviour Boarding University matapos nilang marinig ang balita sa mga lahat ng nangyari.
"And let's call out for Sharmaine Ramirez, Who the only one to survived from the mysterious massacre to speak out her farewell speech to her classmates who are now beside in our almighty father in heaven." Agad naman akong umakyat ng stage na dala dala ang papel kung saan isinulat ko ang aking farewell speech.
"Hello sa inyo." Bati ko sa kanilang lahat na hanggang ngayon ay ang ibang mga magulang ay naiiyak pa rin. "If I was given the chance to bring back time, I'd probably go back to the time where my classmates and I are still together. I want to tell them how much I loved them to be my classmates or rather friends." Panimulang paragraph pa lang ay napatulo na agad ang luha ko. "I know it's hard to accept the reality, But for us to moved on in everything that had happened, We must need to accept everything. It's hard, I know. Cause even I can't still accept the fact that they're all gone. It's also unfair because I'm the one who lived even though I'm just a transfer student to our class." Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang aking mga luha gamit ang hinlalaki ko. "A lot of sacrifices has also been done by our classmate "Kaifer Adrin Llaneta", Who still in the end I thought was the person who will last to live. He endure all the pain, challenges and everything just to help our classmates to pass everything through." Napasulyap ako sa mga magulang ni Kai na sobra ang pag iyak. "Your heroic act will forever be remember, Kai." Napahagulhol nalang ako sa mga sinabi ko. "And to my classmates who passed away together with Kai in heaven who are now beside our almight father. I wish to meet you in my second life and hope that I'll get to know you more then. I can't wait to meet you again. I won't say goodbye, But I would like to say....."
"See you later."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Epilogue na ang next whoo!!! Anyway, Hope you enjoyed reading :)
P.S.
-If you ever like, enjoy, or even love this chapter, Please leave your vote by clicking the ✩ button and give your comments down below. Thanks.
~Hikari ♡
BINABASA MO ANG
Class Murderer (Completed)
Mystery / ThrillerWARNING: UNEDITED! Highest rank- 14 in Mystery/Thriller (01/14/2018) Lahat naman tayo may ginawang pagkakasala. Pero ang pagkakasalang nagawa nila ay dapat mapagbigyan ng hustisya... At ang hustisya na kinakailangan ay "KAMATAYAN!". Pasukin at tuk...