“Matagal ka na dito?” umiling siya at iniinom ang baso ng juice na binili nito para sa kanya.“Isang taon pa lang.” He nodded and put down his drink on the center table.
“May iba ka pang trabaho, bukod dito? Estudyante ka pa ba?”
“Meron, uhhh, sa convenient store na malapit dito. Huminto ako, maagang nagtrabaho.”
Sa ilang minutong paguusap nila ay nalaman niyang marunong itong magtagalog dahil Pilipina ang nanay nito at dito siya lumaki.
Wala naman silang ginawa kung hindi ang magkwentuhan patungkol sakanya.
“Financial problem?” tumango siya.
“Sa probinsya ako lumaki, pumunta lang ako dito sa Maynila para makahanap ng maayos na trabaho.”
“Pag nakapagipon ka na, balak mo ba ulit mag-aral?” ngumuya ito ng nachos bago siya hinarap.
“Oo,”
“Mas maganda pa din ang may pinagaralan.” Dagdag niya
“Anong taon ka nung huminto?” tumingin siya dito at pinagmasdan ang maloko nitong mukha. Pansin niya na madami itong tanong mula pa kanina.
“May pagkachismoso ang isang ito.”
Tinagilid niya ang kanyang ulo habang nakatingin pa din dito.
“Ikaw, huminto ka ba sa pag-aaral?” balik tanong niya kahit alam niya na ang sagot doon. Kung pera ang paguusapan malamang hindi—
“Huminto ako.”
Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Bigla itong nagseryoso na ikinabahala niya.
“Personal reason?”
“Yeah.” Sabi nito bago muling naglagay ng diva vodka sa baso at ininom ‘yun ng buo.
Pinagmasdan niya ang biglang pananahimik nito.
“If you don’t want to say it, okay lang.” Nginitian niya ito. Sumulyap ito sa kanya bago muling nagsalin ng vodka at hindi na nagsalita.
Tinignan n’ya ang bote ng diva vodka na nilabas ng kanyang Auntie Bethel para sa araw na ‘yun na galing pang England.
Binigay lang ito sa kanya nang isang negosyante from England dahil natuwa sa unang beses na pagtapak nito sa bar.
Napalunok na lamang s’ya ng laway nu’ng nalaman kung gaano ito kamahal.
Ibinaksak n’ya ang tingin sa juice na hawak. Inikot ikot ang straw habang malalim ang iniisip.
“2nd year college.”
Naramdaman n’ya ang tingin nito sa kanya na hindi n’ya pinansin.
“Namatay ang nanay namin kaya tumigil ako. Para na rin hindi kami mabaon sa utang dahil sa pagasikaso nang libing. Mas magandang ako na ang magsakripisyo kesa ang kapatid ko.”
Humarap siya kay Adam na may malungkot na ngiti. Tahimik lang siya nitong pinagmamasdan.
“Nakakainis lang na, namatay s’ya ng walang laban. Hit and run, nasagasaan.” umiwas siya nang tingin at napabuntong hininga. Pinipigilang mapaluha sa harapan nito.
“Nakilala ba kung sino?”
“Nakilala kung sino pero wala kaming laban kaya hindi namin napakulong.”
“I’ll help. Just contact me the name and address. Ako nang bahala sa lahat.”
Biglang gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ‘yun. Kahit kakakilala pa lang niya kay Adam ay nagalok na kaagad ito nang tulong sakanya.
BINABASA MO ANG
My Husband Slave
General FictionA normal woman who dreamed to married the love of her life, but instead, she marry a wrong person, on a wrong time and chapter. A wife who become a slave by her own husband. Started writing: Sept. 09, 2017 Ended: Oct. 27, 2018