Chapter 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

Nirvana

Kanina pa ako naiinip dito sa Hazel and Hershey, ang paboritong coffee shop ni Marco, dahil wala naman akong makain. Bukod sa hindi ako mahilig sa roasted coffee, hindi ko rin gusto ang matcha. Cookies na lang ang nilantakan ko kanina at naubos ko na iyon. It's Saturday and I told him I want to go biking in Lantau but he said it won't be fun because roads are tight and there is not enough space to go cycling on. Isa pa, kailangan ko pa raw bumisita sa opisina ng Agriculture, Fisheries and Conservation Department para kumuha ng permit dahil ganoon daw dito.

"What about walking around Wong Tai Sin? Gusto ko makakita ng temple!" I whined at him who seemed like a formidable guardian that won't be moved by my petulant complains.

"Nope. Umulan kanina, posibleng umulan pa ulit mamaya. You won't enjoy it." He told me without taking his eyes off the comic book. Iyon ang niregalo ko sa kanya kapalit ng pagdadala niya sa akin sa music hall ng unibersidad na pinapasukan niya. Sana pala hindi ko na lang siya binilhan ng The Amazing Spiderman na comic book, tuloy mistulang hindi niya ako kasama at doon lamang ang atensyon niya.

Nag-isip ako ng mga bagay na pupwedeng gawin sa ganitong klaseng panahon. Biking, nope. Walking, nope. Take pictures around the seaside, not a chance. Eh ano ba ang magugustuhan niyang gawin sa ganitong panahon bukod sa magbasa at sanayin ang ilong sa amoy ng kape dito sa H&H?

Ngumuso ako at inikot ang mata sa buryo. Lahat na lang ng sasabihin ko ay kinokontra niya. He's right though, I thought. Medyo basa pa ang daan sa labas kahit sumisikat na ang araw. May bahid pa din ng itim ang natatanaw kong mga ulap kaya posible ngang umulan maya-maya. Inilibot ko ang mata sa loob ng coffee shop. It has this alfresco vibe you'll think you're somewhere in Europe. Ang paligid ay puro mga kagamitang may kinalaman sa kape. Ang sabi ni Marco, mabibili mo ang iba't-ibang uri ng coffee beans at roasting equipment dito. Like I would understand that?

Maganda ang lugar pero gusto ko pa ding magliwaliw sa labas. Bukod sa libreng wi-fi connection, ang tugtog ng classical music lamang ang nagtatangal ng pagkabagot ko doon.

Nang mapagod tumingin sa labas ay ipinirmi ko ang mata sa kaharap. He is still engrossed in reading the comic book. Thinking that he's giving his full attention to something I gave him made my heart leap. Of course, paborito niya iyon. I dismissed this feeling of entitlement my mind was giving me. I carefully watched his face, memorizing every detail. Kung bakit dito ko nais na lamang ubusin ang oras ko ay hindi ko alam, basta iyon na lamang ang gusto kong gawin. His eyes, his thick brows, his nose, his lips. Naalala ko ang kaba na naramdaman noon nang malaman kong nakikinig siya habang tumutogtog ako sa lobby ng hotel. Unti-unting nabubuhay ulit ang pakiramdam na iyon. It's escalating quickly, huh? Palagi naman. Hindi pa rin ako nasasanay sa gulong idinudulot ni Marco sa Sistema ko.

What is it with his eyes? Siguro ay dahil kapag tumitingin siya, iisipin mong marami kang nagawang kasalanan. Dark, mysterious, and playful all at the same time. A smile crept, my eyes never left his lips. Nang inangat ko ang aking mata, nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin. He's suppressing a smile, looking amused that he caught me staring at one particular part of his face.

Iniwas ko agad ang aking mga mata at umayos ng upo. I cleared my throat and groped for my phone while shifting my eyes to look back outside. Sa sobrang kaba ko, maling bagay ang nadampot ko.

"What are you gonna do with that bean bag, Lio?" he asked playfully I can almost hear him chuckle.

"Eh bakit kasi ayaw mong umalis dito?" I exclaimed a little louder than usual. Hindi ko din maintindihan kung bakit ba ako naiinis. His brows shot up, lips in grim line but his expression told me he's enjoying every bit of my reaction. I calmed myself, made a deep sigh. I could not look at him, embarrassed about my sudden outburst. Lio, why are you suddenly angry?

LoversWhere stories live. Discover now