Chapter 8

6.8K 208 10
                                    


Liyah woke up late. Inunahan pa siya ng anak niya sa paggising. It was her day off from work. Gusto pa sana niyang matulog pero ginigising na siya ni Calvin. Alam niyang naiinip na ito at gusto na nitong lumbas sa kuwarto.

Pinilit niya ang sarili na bumangon. Inayos niya ng konti ang sarili at saka binuhat si Calvin. Paglabas nila ng kuwarto ay binati sila ng nakakabinging katahimikan.

Wala sa araw na iyon sina Tim at Janice. May isang importanteng lakad na pinuntahan ang mag-asawa. Si Kevin naman ay siguradong hindi pa umuuwi. Ayaw na niyang isipin kung saang hotel na naman ito nagpalipas ng gabi kasama ng isa sa mga iba't-ibang babae nito.

Dumiretso siya sa kusina para magprepare ng pagkain ng anak niya. Sigurado siya na nagugutom na ito. After she prepared the food, muli niyang binuhat ang anak at lumabas ng bahay. Pumunta sila sa garden para magpaaraw habang pinapakain niya si Calvin.

After her son finished his food, she felt sleepy again. Totoong nakakatamad ang araw na iyon.

Hinayaan na lamang niya ang anak na naglalaro. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang pinapanood niya si Calvin.

Ilang minuto ang nakalipas nang bigla siyang maalimpungatan. Bigla niyang naalala ang anak niya nang hindi niya ito makita sa paligid.

"Calvin." she called his name. Pero walang lumitaw sa bata. Napatayo siya at hinanap ang anak.

Nilibot niya ang buong bakuran pero hindi niya ito nakita. She was about to enter the house to check inside when she heard her son giggling. Sinundan niya ang tawa ng bata.

She found him at the garage. Nakaupo ito sa driver seat ng isang kotseng nakabukas, wearing the seatbelt. Tumatawa ito habang nakatingin sa kung saan.

She followed her son's eyes. Nagulat siya nang makita si Kester. Nakahubad ito ng pang-itaas habang naglilinis ng windshield ng sasakyan. Kitang-kita niya ang kabuuan nito. May kakaibang nagigising sa kaibuturan ng pagkababae niya habang nakatingin siya sa lalaki. Everything in him looks so sexy. He is almost wet with his own sweat and the water he is using to clean his car.

Nang muling mapahalakhak ang anak niya ay doon niya nakita kung ano ang ginagawa ni Kester. He is making faces that is making Calvin giggle. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ganoong tanawin.

Kester, as if felt her presence. Sumeryoso ang mukha nito at saka dahan-dahan siyang nilingon. Mabilis itong napatayo ng tuwid at saka ngumiti sa kanya.

Bigla ay tila nawalan siya ng sasabihin at gagawin. Naestatwa siya habang nakatingin siya kay Kester. Sa kanyang kalagayan ay saka niya narealize na nasa bahay din si Kester sa araw na iyon. Ang pagkakaalam niya ay wala itong rest day mula sa trabaho nito. This was the first time that she saw Kester at home. Kadalasan kasi ay palaging ginagabi ito sa pag-uwi. Pag-alis niya ng umaga saka lang ito magigising.

"Good morning." narinig niyang wika nito.

Napilitan siyang sumagot. She met his gaze and uttered her response.

"I was cleaning my car when he came here." anito na nakatingin kay Calvin.

"Sorry if he bothered you. We were in the garden a while ago. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa duyan. Pasensiya na." sunod-sunod niyang sabi at nagmamadaling lumapit sa nakabukas na sasakyan.

"Leave him to me for a while." saway sa kanya ni Kester. "You can go back to sleep. Alam kong puyat ka palagi. I will look for him. Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na makalaro ang pamangkin ko. I will walk him around the village after I clean my car."

Hindi nakasagot si Liyah. Sa totoo lang ay inaantok pa rin talaga siya. Hindi na siya magdadalawang-isip pa na pumayag. Hindi naman siguro mapapano ang anak niya sa kamay ng tito nito.

"Inaantok pa nga ako. Pero ok lang ba talaga sa iyo?"

Kester flashed a very dashing smile. "It's all fine by me Liyah. Go and take a rest. Parang namiss din ako nitong pamangkin ko. We will spend the whole morning together."

"Sige. Maraming salamat. Balik na ako sa taas." aniya saka lumapit sa anak at hinagkan ito sa pisngi. Pagkatapos ay tahimik siyang bumalik sa loob ng bahay. Hindi na siya bumalik sa kuwarto nilang mag-ina. Sa sofa sa sala na siya nahiga. Panandaliang tulog lang naman ang balak niyang gawin.

*****

Kakaibang saya ang nararamdaman ni Kester habang kasama niya si Calvin. He can not explain the satisfying moment he feels everytime he holds the boy in his arms.

Malaki ang inggit niya sa kapatid niya for having a very wonderful son. And Liyah is no ordinary. Sobrang tanga lang siguro ni Kevin na hindi makita ang nakikita niya kay Liyah. She could pass as a very great wife. At napakabuti nitong ina kay Calvin. Kung tutuusin ay masaya sana si Kevin kay Liyah at Calvin kung ibukas lang nito ang mga mata nito.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pangungulila. Pangungulila sa isang bagay na lately lang niyang naintindihan kung ano. It was the need to settle down. To have his own family. He is aware that he is getting older at kailangan na rin niyang makahanap ng mapapangasawa.

Hindi naman problema ang mga babae. He has his share of women. Marami na ring babae ang nagdaan sa buhay niya. Mga babaeng hindi niya sineryoso at hindi siya sineryoso. Enough already of playing around. He's not getting any younger kaya kailangan na niya ng isang babaeng bubuo sa pangungulilang nararamdaman niya sa kanyang puso.

"Papa!"

Nawala ang konsentrasyon ni Kester nang marinig niya ang boses ng pamangkin. It was the only complete word that he can speak. May contentment siyang nararamdaman everytime he hears him call that. Napangiti na lang siya at tiningnan niya ang itinuturo nito. Isang tindahan iyon ng mga laruan.

Lumapit sila doon at ibinili niya ang bata ng isang stuff toy na aso. Tuwang-tuwa ang bata nang mahawakan ang laruan.

"Papa!" muling sambit nito. Bago pa man sila lumabas ng shop ay nahagip ng mga mata niya ang isang pares ng shirts na pang-adult at pambata. Ang sa adult ay may tatak na 'Legend'. The other shirt for kids was printed with 'Legacy'. He smiled and bought a pair for him and Calvin.

Accidental DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon