Chapter 11

6.4K 184 14
                                    

Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging mabuti ang pakikitungo nina Liyah at Kevin sa isa't-isa. Napansin ni Liyah na talagang pinagsisihan ni Kevin ang mga nagawa at nasabi nito noon. He is likewise trying his best to be a father to Calvin.

If she will be asked kung handa na ba siyang tanggapin si Kevin katulad ng dati, hindi pa siya sigurado. Kung tatanungin siya ngayon, ang tangi niyang maisasagot ay hindi. She is not still ready to accept him again as her man. She is aware that Kevin still loves her. Buti na lang at hindi na ito nagsasabi sa kanya ulit. Nakapokos ang atensiyon nito kay Calvin.

Masasaya siya sa development na nangyayari sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa. Sapat na sa kanya na nirerecognize na ni Kevin ang anak niya bilang anak din nito. And thanks to Kester as well, who never treated her nor her son as different persons. Hanggang ngayon si Kester pa din ang natatawag ni Calvin bilang 'Papa' nito.

At ang pag-aasawa o pakikipagnobyo, wala pa iyon sa priorities niya. Ang anak niya at ang career niya ang mas mahalaga sa kanya ngayon. Mas lalo pa ngayon at isa na siyang marketing head ng kompanya ni Jefferson Veneracion. The first time Jefferson offered him that post, tinanggihan niya. She served as an executive assistant kaya hindi siya nababagay sa marketing department.

Ang katwiran ni Jeff, magaling daw siya sa ganoong larangan at sapat na daw ang nakuha niyang experience sa pakikisalamuha sa iba't-ibang tao sa pagiging assistant niya dito para magawa niya ang trabaho ng marketing head. Sa pangungulit ni Jefferson ay napapayag siya nito sa isang kondisyon. Iyon ay magsimula muna siya sa mas mababang posisyon under the department. Tutol man ay pinayagan din siya ng boss niya. Pagkaraan ng ilang buwan niyang pagtrabaho bilang marketing staff ay marami na siyang nagawa dahilan para pabilisin ni Jefferson ang pagkapromote niya. This time, masaya na talaga siya bilang isang marketing head.

And she is doing her best para mapalaki si Calvin ng maayos. She can't be with the La Pierres for forever. Darating din ang panahon na makakahanap si Kevin ng totoong magmamahal dito. If that happens, it is not good to see her being with their family. Ang tanging dahilan lamang kung bakit nandoon pa din siya ay dahil kay Calvin. Ayaw niyang isipin muna ang mga mangyayari. Napalapit na din talaga sa kanya ang mag-asawang Tim at Janice na tinuturing siyang sariling anak ng mga ito.

Sa tingin naman niya ay malabong magkabalikan pa sila ni Kevin. She admits that she still feel something for the man pero sigurado siya na hindi iyon pagmamahal. At hindi iyon sapat para sabihin niyang may chance sa kanilang dalawa. Masaya siya ngayon kung anong friendship ang meron sila.

And speaking of Kevin, nasa Singapore ito ngayon. May isang linggo itong business conference doon.

Nasa malalalim na pag-iisip si Liyah nang mapansin niyang malapit na siyang mahuli sa trabaho. Mabilis niyang inalis sa isip niya ang mga bagay-bagay at nagmamadaling lumabas sa kuwarto pababa sa may sala.

Pababa na si Liyah nang mapansin niya si Kester sa sala na nakaupo sa sofa habang kandung-kandong si Calvin. Napansin niya ang hawak-hawak nitong plato. Napahiya siya nang makitang ito ang nagpapakain sa kanyang anak. Bagay na hindi pa nagagawa ni Kevin.

"I'm so sorry." wika niya nang makalapit siya sa mga ito. "Ikaw pa ang nagpapakain kay Calvin."

"It's fine. Don't worry about me. I love what I am doing." sagot nito.

Katunayan, si Liyah naman talaga ang nagpapakain sa anak niya. Nagkataon lang na late siyang nagising kaya inako na ng nanny ni Calvin ang magpakain dito.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ka ba malilate niyan?"

"I have all the time in world Liyah. Allow me to take care of my nephew. Ikaw, hindi ka ba malilate niyan?"

Lumapit siya sa mga ito at saka humalik sa pisngi ng bata bago niya muling hinarap si Calvin.

"Thank you so much Kester." nahihiya niyang wika. "Sana ay makabawi ako sa iyo."

Tango at ngiti lang ang isinagot nito kaya nagpaalam na rin siya. Habang on the way siya sa trabaho ay iniisip niya kung paano siya makakabawi sa kabutihan ni Kester.

*****

Pagkatapos pakainin ni Kester si Calvin ay tila ayaw na niyang iwan ito. Parang nakakuha siya ng pagkakataon na masolo ang bata habang wala pa ang nakababata niyang kapatid. Pag nandito kasi si Kevin ay tila hindi siya makalapit sa pamangkin niya. Aware siya sa ginagawang pagbabawi ni Kevin sa mga pagkakataong nasira nito kaya ayaw niyang makialam pag kasama ng kapatid niya ang bata.


He must really missed this kid kaya hindi niya kayang pakawalan at iwan. Kaya nang malapit na ang appointment niya ay saka lang niya iniwan ang bata sa nanny nito para makapagpalit ng damit.

Dahil ayaw niya talagang magsayang ng pagkakataon ay dinala pa niya sa meeting niya ang bata. Hindi naman naging hadlang ito dahil behave ito hanggang sa matapos ang meeting. Natuwa pa ang mga kameeting niya nang makita siyang may hawak-hawak na bata. Biro pa sa kanya na parang isa daw siyang natural na father. Kung hindi dahil kay Kevin ay baka iisipin niyang sarili niyang anak si Calvin.

After ng meeting niya ay dinala niya ang bata sa Castle Builders. Gulat at tuwang-tuwa ang kanilang mga tao nang makita siyang dala si Calvin. Ang ibang hindi nakakaalam ay tinanong pa siya kung sa kanya iyon which he honestly answered them with the truth. That Calvin is his nephew. Kung marami mang nagulat ay mas malala ang gulat ng kaibigan niyang si Manny.

Kinuha pa nito mula sa kanya si Calvin at tinitigan. "So, this is Calvin."

"Yeah he is. And he is my nephew."

Manny smiled. "Well, he does not look like one."

"Paano mo naman nasabi?"

"Nagulat ako when I saw you at the door with a boy in your arms. You look like you were made to be like it." natatawang sabi sa kanya ng kaibigan.

"Look like what?"

"You are natural father pare. At hindi ako makapaniwalang pamangkin mo lang ang batang ito. Well, he really looks like you. Mata pa lang ay magkapareho na kayo. Green eyes. Bagaman mas darker ang skin mo ay alam kong magiging magakakulay kayo kung lumaki na siya."

Natawa lang si Kester sa sinabi ng kaibigan. "He is my nephew Manny. Maybe he got his features from my father. Magkamukha rin kami ni Papa."

"Sigurado ka bang hindi mo siya talaga anak?"

Napatawa siya sa komento nito kasabay ng isang kurot sa puso niya na umaasam na sana, sa kanya nga talaga ang bata.

Accidental DADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon