Eto ang unang entry na mababasa ninyo sa unang parte ng librong ito. Siya si Lenlen. Isang babaeng naghahangad ng magandang relasyon. Naghahangad ng isang perpektong lalaki na mamahalin at magmamahal sa kanya.
Lenlen:
Heeeey! Ako nga pala si Ellen Ysagani, Lenlen for short. Kinse anyos, nasa Ikaapat na taon na at nag-aaral sa Green Meadows High School; isa sa pinakasikat at eksklusibong paaralan dito sa aming lungsod. Isa lang naman akong typical na estudyante, di masyadong matalino, katamaman ang ganda, at medyo sumablay ang height. Isa ako sa tinatawag nilang "ordinary student" ng campus. Di pinapansin masyado, di sikat, at walang ibang ginagawa kundi ang sumunod sa utos ng teacher. Tulad ngayon, may group work na pinapagawa ang teacher namin at sure ako na ang leader ang gagawa ng lahat. Yan tayo eh! Iaasa lahat sa leader.
Habang ginagawa nila ang group work NAMIN I mean NILA, lutang ang isip ko. Iniisip ko kasi si Cyrus Angelo Delgado, ang super duper crush ko dito sa campus. Sikat kasi siya, gwapo at napakabait. Di naman ako makalapit sa kanya kasi nahihiya ako. Di ko rin siya makausap kasi ang awkward ng atmosphere. Kahit ilang upuan lang ang layo ko sa kanya, di ko kayang lapitan man lang siya. Marami naman kasing naghahabol at nagkakandarapang babae sa kanya. Nagtataka nga ako eh, sa dami-daming naghahabol sa kanya, wala man lang siyang natitipuhan babae, wala rin siyang nababalitaan na kasintahan, ni kahit man lang nanligaw wala.
Kaya naman hanggang ngayon, hanggang tanaw na lang ako sa kanya. Hanggang pangarap na lang siguro ako. Si 11:11 na lang ang pag-asa ko. Ay teka nga lang, 11:11 na pala. Hihiling muna ako.
Sana maging kami ni Cyrus.
Sana maging kami ni Cyrus.
Sana maging kami ni Cyrus.
Sana ---
H-hi Ellen. Kamusta ka na? Cyrus
OMG! Kinausap ako ni Cyrus? Ow-em *ahermm* Ano ba naman ito? Kinikilig na ako! Maganda kaya ako ngayon, maayos ba buhok ko, okay kaya ang ---
Ahmm, Ellen? Cyrus
A-ay, sorry! A-ano pala k-kailangan m-mo? Ba't nauutal ako?
Ahh, wala naman. Gusto lang kita kausapin. Natapos na kasi namin ang group work namin. Tapos na ba ang sa inyo? Ang ganda ng mga mata niya. Sinamahan niya pa ng napakatamis na ngiti. Haaay, heaven na ba 'to?
Ahh, hindi ko alam. Wala naman akong pakialam sa mga ka-grupo ko. Andyan naman ang leader namin. Kaya niya yan! Hahahaha Ang sarap naman palang kausap itong si Cyrus.
BINABASA MO ANG
11:11
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa ganito? Na sa tuwing darating ang 11:11, matutupad ang iyong hinihiling. Mapa umaga man o gabi, basta 11:11, hihiling ka lang at matutupad iyon. May nagsasabing totoo, may nagsasabi naman hindi. May nagsasabing gawa-gawa lamang...