~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''
Kailangan ko'y ikaw
Dito sa piling ko
Kailangan kong madama
Ang pag-ibig mo
Sa bawat oras na
Di ka nakikita
Para bang kay bigat
Ng nadarama
O mommy nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang
anak mong nag-iisa~
Napapakanta na lang ako as isip ko habang palinga linga sa paligid. Halos malibot ko na ang kalahati ng supermarket, napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa gilid ko na may maraming mga chocolates *Q* . Dahan dahan akong lumapit doon at binali ang chocolate nanahawakan ko "hhiihihi" napapahagikhik ako sa aking ginawa, nangigigil kasi ako ssshhh huwag nyo ko sumbong >O<
Tumingala ako at tinignan ko ang cctv camera, kunware namimili lang ako ng chocolates >u>. Total di naman ako makakabili ng mga iyon ehem hindi dahil sa wala akong pera ehem wala naman talaga akong pera, syempre nakay inang maganda ang kayamanan namin ehem kaya dudurogin ko na lang hehe
"Hoy! bad yang ginagawa mo" napapitlag ako ng may magsalita sa tabi ko, argh sinisira ang precious durog moments ko sa mga chocolates. Nagcoconcentrate pa naman ako na makadurog ng isang piraso ng kitkat bites ang tigas kasi!
Hindi ko na pinansin ang 'precoius moment breaker' na nilalang na iyon at umalis na lang doon. Pero bago pa ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko pa itong nagsalita
"Isusumbong kita! hahah"
'psh Edi sumbong mo! bibilhin ko din naman tong mall nato pag matanda nako ha!' sa isip ko habang nilingon siya...siya..siya yung nakabunggo ko kanina! Napatigil ako sa pag ala army march, hindi dahil siya ang nakabunggo ko, may kasama siyang babae na kamukha niya at may ginagawa sila!
Pinagtutulungan nilang durugin ang isang chocolate! my favorite kitkat! OuO May pasabi sabi pa syang isusumbong ako! siya din naman pala!
Kaya lumapit ako sa kanila
Pinalaki ko ang boses ko na parang lalaki at "Mga bata ano yang ginagawa nyo"
"AY kitkat!" gulat na sabi ng babae. Napapitlang silang pareho at sabay na lumingon sa kin
Nginitian ko sila, ngiting hindi abot langit.
"Problema mo?" maangas na sabi ng lalaki
"ikaw" maangas ko ding sagot
"O problema mo sakin?" aba kong makasagot kala mo walang ginawang pangengealam sa precious moments ko
"Sabi mo isusumbong mo ako? Edi magsumbongan tayo" hamon ko sakanya
"Magsumbong ka, go!" walang pakialam na sagot nito, napatingin ako sa kamay niya na hawak parin ang kitkat, siya nalang ang nakahawak, ang babae ay nakikinig lang sa gilid.
Tumingala ako at hinanap ang cctv , nang makita ko ay tinuro ko ang daliri sa ulo nya at parang nagsuu\sumbong na tumingin sa camera.
"O-oy anong ginagawa mo? tigil mo nga yang kakaturo sa ulo ko!" natatarantang medyo sigaw niya sakin
"Obvious ba? edi sinusumbong ka"
"Ahihihihi para kang eng eng kuya" napatingin ako sa gilid ng may humagikhik, kapatid nya pala to? at tinatawanan pa sya haha
"Tumahimik ka Reisha, tara na!" sabi ng lalaki at hinigit ang kapatid na babae
"Hi ate! bye!" nakangiting kaway ng babae bago sila tuluyang nakalayo
Hindi ko na napigilan at napatawa nako, epic!
Ngunit naputol ang aking tawang tagumpay ng may naalala ako!
Gutom na gutom nako T^T kailangan ko ng mahanap si maders
Operation: FInd Dora
to be cointinued...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
After how many seconds ay nahanap ko na din sa wakas! ....ang pagtatapos ng operation finding dora is over
nahanap ko na din si inang maganda
Sus! nandun lang pala sa may isdaan, bago ako makalapit kay inang ay nadaanan ko ang aquarium ng mga tilapia *0*
Kaya huminto muna ako sa harap ng aquarium at nakipagtitigan sa isang tilipia na humamon sa aking kay gandang kulay black 'daw' na mata
Matapang ang isang to! magaling magaling, hindi kinaya ng powers ko ang powers ng mata niya
Pagtingin ko kung nasan si inang- teka where is inang? she's just there overthere awhile ago ah?
Saang lupalop ng supermarket nanaman siya nag teleport!?
"Yosa!"
"ay teleport yosa!"gulat kong sambit
napalingon ako sa likod ko
"okaaaa-sannñ *0* huhuhu" pagdadrama ko ngunit nauna na itong maglakad
ayyy ganun, binalewala ang beauty ko?
"ahihihihi"
"haha parang engot"
nakarinig ako ng hagikhik at tawa sa likod ko
mabilis ko silang nilingon, sila nanaman
"bakayarou" bulong ko na rinig naman nila dahil habang naglalakad palayo ay rinig ko ang usapan nila.
"ano daw? baka-?"
" hayop ka daw kasi kuya hihihhi bakayarou in tagalog is 'hayop ka!' hihiihi"
"wag mo nga isigaw sa tenga ko! at hindi ako hayop"
" hindi ka nga hayop kuya"
"mabuti naman at alam m-"
" dahil idiot ka tama nga si ate hihihihi"
"Reisha!"
"e kasi kuya nagpauto kanaman sa sinabi ko aijhakjhouhosbou-
Yun lang ang narinig ng chismosa ears ko, wala ng signal.