Dear Brain,
Okey. Ginampanan ko na masyado ang pagiging Dora ngayong araw. Bakit? Kasi bagong gising pa lang ako kanina ng sinabihan ako ni mama na sumabay sa aking mga pinsan at mga tita papunta sa family gathering. Kaunting salo salo lang at nagtagal ako doon hangang hapon dahil sa may WiFi.😂 WiFiNatics here! Kaya nga todo social media si ate kanina dahil sa mag internet connection doon. Bagong uwi lang ako noon ng mag chat sa akin ang isa kong kaibigan, nag-aya siya na pumunta kami sa mall pero bago iyon ay nakipag kwentuhan na muna ako sa aking bestfriend. Pumunta kasi siya ng bahay dahil kailangan niyang i-measure yung explosion box na ibinigay niya sa akin. Nakalimutan niya kasi yung mga sizes nun. So pagkatapos nung chikahan naming dalawa ay pumunta na ako ng mall. Bonding here, bonding there. Tawa here at tawa there. Hanggang sa napunta kami sa 2nd floor at nakita yung isang stall na bago sa mall. Dahil sa mga curious kaming apat, pumunta kami doon at nag tanong tanong tungkol saan ito. Sabi nung nagbabantay doon picture picture daw tapos libre pa ngayong araw. Kaya ayun, naki-linya kaming apat kahit gutom dahil libre nga siya. Natapos yun mga 7pm na. Kaya umuwi ng kami sabay noong mga pictures na ngayon ay ididikit namin sa kung saan namin gusto. Yey yey! Well played Sunday! Good night Mr. B. 😁
Sincerely yours,
Franzia👑Saved February 12, 2023 (11:13 PM)
Seen 11:45 PM