Dear Brain,
Nanginginig ako ngayon sa galit. Alam mo ba kung bakit? Kasi yung magaling kong ex-bestfriend ay nagpakita sa room dala-dala pa yung gusto kong gitara. Regalo daw para sa akin. Dahil nga sa matigas yung ulo ng lola niyo, ayun hindi ko siya pinansin at hindi ko rin kinuha yung guitara sa kanya. Anong gagawin ko naman dun? Pang toothpick? May gitara na ako, binigay sa akin ni papa kahapon. Regalo niya daw sa akin bago ako pumunta ng Davao para sa seminar. 3 days to go at Hello Davao na si ako. Excited.😍
Sincerely yours,
Franzia👑Saved February 23, 2023 (11:24 PM)