-3rd persons POV-
100 years ago...
Sa isang pagdiriwang, matatagpuan ang babaeng kumikinang sa kagandahan. Nangingibabaw sa lahat. Ngunit sobrang itim ng puso. Sobrang sama ng ugali.
Sya, si Beatrice. Beatrice Alejo.
Mayaman, maganda, nasa kanya na ang lahat. Wala na syang mahihiling pa. Talaga namang bukod syang pinagpala sa lahat. Sa panglabas na anyo, estado sa buhay. Pero dahil nga walang sino man ang perpekto, dito pumapasok ang kanyang ugali. Naguumapaw na kamalditahan. Walang kahit sinong sinasanto. Sya si Beatrice.
Habang tumutugtog ang bandang inarkila ng kanyang lolo para sa kanyang ika labing-walong taon ng kaarawan, ang mga lalaki naman ay nagkakandarapa para lamang maisayaw sya sa gitna, mahawakan ang malaporselana nyang balat, makuha ang kanyang atensyon.
Pero ang lahat ng mga ito ay kanyang binabalewala. Ipinapamukha nya sa mga kalalakihan na hindi aabot ang kanilang panlabas na kaanyuan sa kanyang kagandahan.
Hindi nya alam kung ilang pagkatao ang kanya nang nawasak dahil sa kanyang ugali. Dahil sa kabalasubasan ng mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Dahil para sa kanya, isang mala prinsipeng lalaki lang ang nararapat sa kanya. Yung kayang pantayan ang kagandahan nya. Yung babagay sa kanya sa lahat ng aspeto.
Hanggang isang araw, habang syay kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag makalipas ang ilang linggo matapos ang kagimbal gimbal na pangyayari noong kanyang kaarawan, nagising sya sa ingay na nanggagaling sa ibaba.
Isang lalaking walang itsura, mahirap.
Naisip nya. "Malamang isa lang to doon sa mga lalaking hindi ko binigyang pansin". Kaya nag kibit-balikat nalang sya at tumunghay doon sa lalaki. Ngunit agad nyang ikinabigla nang bigla itong ngumiti sa kanya. Na naghatid naman ng kakaibang takot at kaba sa kanyang dibdib. Hindi nya iyon inaasahan. Lalo na nung biglang tumahimik na halos paggalaw nalang ng mga puno ang maririnig. Biglang nagbalik ang isang ala-ala ni Beatrice noong kanyang kaarawan na malapit na sana nyang mabaon sa limot.
**
"Umalis ka nga sa harapan ko walang kwentang lalaki ka. Nakakadiri! Sinayang mo lang oras mo at lalo na ang oras ko dahil kinakausap mo ako ngayon. Alam mo ba kung ilang mayayamang lalaki ang nagpupumilit na maisayaw ako at tinanggihan ko lang dahil sa hindi sila pasado sa aking panlasa? Ikaw pa kayang mababa pa sa karaniwan? Hindi ko nga alam kung bakit nagsasayang ako ng oras sa pakikipagusap ko sayo. Kaya paki usap lang. Pwede bang umalis ka na? Sinisira mo ang gabi ko!" Himig ni Beatrice sa lalaking nasa kanyang harapan. Ni hindi nga nya alam ang pangalan nito.
