Pahina 22

3.5K 77 3
                                    

Pahina 22

May kalayuan ang Royana Beach Resort, kung saan kami pupunta. Habang nasa byahe ay panay kwentuhan lang sina Javier at Siemon na nasa harapan namin para malibang. Nililingon ko si Bella at gustong kausapin kaso ay hindi ko alam paano sisimulan.

Kitang kita mo sakanya na hindi sya ok. Nakasandal lang ang ulo nya sandalan at malayong nakatingin sa bintana. Para ngang ang lalim pa ng iniisip nya. Parang gusto nyang umiyak. Parang gusto nyang magkwento pero mas gusto nya siguro na tumahimik muna.

"Hoy Nakazawa! Kamusta ka naman jan?" Pabirong ayon ni Siemon. Hinampas ko ang balikat nya at tinaasan ng kilay ng lingunin nya ako. Sumenyas sya na ok lang at wag akong magalala na parang alam nya ang ginagawa nya. Umiling iling ako para pigilan syang asarin o bwisitin si Bella pero yun at yun lang ang sagot nya.

"Ayos lang." Malumanay namang sagot ni Bella kaya agad agad ay nawala ang tawanan ni Javier at Siemon.

Nilingon ni Siemon si Bella at tinignan naman sya ni Bella. She's not mad. She's not irritated. She's showing nothing. All we can see is her serious, poker face. And it's starting to freak me out.

"Uy! Umayos ka nga." Iritableng ayon ni Siemon.

"Maayos nga ako."

"I mean, hindi ganyan! Yung natural. Makipag bangayan ka sakin, ganun!"

"Nevermind, Siemon."

Saglit na natigilan si Siemon at nanlaki ang mga mata ng mas lalong titigan si Bella.

"Huy! Tangco tawag mo sakin diba? Di mo naman ako tinatawag sa pangalan ko eh. Ang creepy mo. Tigilan mo na nga!"

"Shut up."

"Shut up, shut up! Para kang ewan jan, magoouting tayo oy! You're killing the vibes!"

"Shut up nga!!!"

Hindi na nakasingit si Siemon dahil sa biglang pag sigaw ni Bella. Pinaayos ni Javier ng upo si Siemon bago tinapik tapik ang balikat nito. Ako naman ay panay himas sa braso ni Bella para pakalmahin sya and all of a sudden ay niyakap nya nalang ako basta.

"Shh.. It's ok Bella. Ano ba yun? Tell me. Ilabas mo yan." Ayon ko.

Bumalik sa ayos ng pagkakaupo nya si Bella at pinunasan ang luha sa mga mata nya. I can see how she wants to control her tears. Ayaw nya yatang makita namin syang umiiyak or nagkakaganito. Pero mukhang mabigat ang dinadala nya at hindi nya ito mapigilan.

"I went home. Kasi wala naman akong ibang pupuntahan. Nasa ibang bansa ang tito at tita. Ever has something personal to do. Ikaw naman ay may lakad. I had nowhere to go so syempre, sa bahay nalang." She paused para huminga ng malalim.

"Hindi pa ko nakakapasok sa bakuran. Hindi pa ko nakakapasok kahit sa gate lang. Nakasalubong ko ang in-laws ni Mama. Sabi nila kung ano raw ang ginagawa ko sa bahay ng anak nila. So sinagot ko. Sabi ko uuwi ako. Doon ako nakatira. And then nagsimula na sila magsabi ng kung ano anong masasakit." Muli syang huminto sandali.

"Pero you know me Maiko. I can take any harsh, painful words from those demons! Pero alam mo kung alin yung masakit? Yung nakita kong lumabas ng bahay si Mama dahil sa pageeskandalo nung dalawang matanda. She saw everything. She heard everything. And she did nothing. Hinayaan nyang pagsalitaan ako ng masasakit. Hinayaan nyang duruduruin lang nila ako. Hinayaan nya ako Maiko. Pinabayaan nya lang ako. And that sh*t hurts so much!"

Kinuha ko si Bella at niyakap. Humahagulgol na sya at ayoko ng magsalita pa sya kasi halatang nahihirapan na sya. I don't know what the hell is happening but one thing for sure. She does not deserve any of this.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon