Chapter 3

18 1 1
                                    

Kinaumagahan, I searched every classroom of my batch to find Elias. And I did. Nasa kabilang classroom lang pala siya pero he was absent. One of the reasons why iilan lang ang nakakikilala sa kanya dahil madalang lang itong pumasok sa school, no one knows why.

Nag-recess ako with Jude again. I was busy looking at Elias' I.D when Jude arrived with our snacks.

"Sino yan?" He asked pero I was too preoccupied kaya hindi ko sya nasagot. Nagulat nalang ako nang biglang may kumuha nito.

"Elias Juan?" Sabi nya na para bang kilala niya ito.

"You know him?" Nagtataka ako kasi kung kilala niya ito bakit ako hindi? I mean lahat ng mga friends ni Jude ay friends ko rin kaya imposibleng hindi ko ito kilala.

"Hmm not really palagi ko kasing naririnig yung pangalan niya."

"Talaga? Is he a new student?"

"Kind of."

"What do you mean?"

"Dito siya nag-aaral since 1st year highschool pero timing rin na lumipat sya sa ibang school last year at nagtransfer ka rin dito kaya naman siguro ay hindi mo siya kilala." Ah. Kaya naman pala. Last year lang ako lumipat dito dahil kailangan.

"Bakit na sayo pala yung I.D nya?" Nagtatakang tanong niya. Well, sino ba namang hindi? Eh hindi naman kasi kami close ng tao tapos bigla-biglang nasa akin na yung I.D nya

"He dropped it at the restaurant yesterday." Tinignan lang naman ako ni Jude tila ba may gusto itong liwanagin ngunit mas pinili nalang umupo at kumain.

Bumalik ako sa classroom para kunin yung pulbo at lip balm ko then pumunta na ako sa C.R, inaayos ko ang aking buhok nang may pumasok na dalawang babae.

"Girl! Alam mo ba present na ulit si Elias!" Agad akong napatigil nang banggitin nya ang pangalan ni Elias.

"Talaga?! Wahhhh! Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang magiging kamukha ng mga anak ko!"

Well, magandang lalake naman talaga si Elias. I.D picture pa nga lang ay malakas na ang sex appeal nito , ano nalang kaya kapag harap-harapang nakakausap mo na siya.

Agad akong lumabas ng C.R at bumalik sa classroom upang kunin ang I.D nya. Pumunta ako sa kabilang classroom, nasa door frame palang ako ay agad hinanap ng aking mga mata ang pagmumukha ni Elias. Nakita ko itong nag c-cellphone. Bawal mag-cellphone sa aming eskwelahan but nobody follows the rule. It's okay as long as you're not caught.

Nag-aalangan pa ako kung isasauli ko nga ba ito sa kanya o ipabibigay ko nalang sa iba. Ngunit naka isang hakbang na ako papasok kaya wala nang atrasan ito. Habang naglalakad papalapit sa kanya ay humihigpit ang hawak ko sa I.D neto at mas lalong kumakabog ang puso.

"U-uhm, Elias." Tawag ko sa atensyon neto. Agad namang itong lumingon sa akin. Kung gwapo sya sa I.D, di hamak na mas gwapo siya sa personal.

"Are you here to give me my I.D?" Agad lumaki ang aking mga mata. Paano nya nalaman?!

"Huh? P-paano mo nalaman?" Tinignan ko sya nang may pagtataka.

"I saw you yesterday. I noticed that I lost my I.D so I went back inside the restaurant. Pero nakita na kitang pinulot ito kaya hinayaan na kita."

"Paano kapag wala akong balak isauli ito? Tsaka how can you trust me?" Maraming mga tanong pa sana ang aking sasabihin pero ito muna sa ngayon.

"I knew you were my batchmate."

"How?"

"Who doesn't know you?" Kilala naman talaga ako dito but that's because of Jude. Palagi kaming magkasama kaya nali-link ang pangalan ko sa kanya palagi.

"Anyway, oh eto!" Binigay ko na sa kanya ang I.D. I don't have any business here anymore kaya aalis na ako. I was about to walk away when someone suddenly stopped me by holding my left hand.

It was him.

"It was nice to finally meet you, Champ." Then he smiled with his dimples out.

Heto na naman ang puso ko. Kumakabog na lang nang walang dahilan. It felt weird kaya agad kong inagaw ang kamay ko galing sa kanya at agad akong umalis ng room ng walang sabi-sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't Know You But I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon