Tyrone's POV:
~KRING KRING~
"Boi! Tara na nagbell na first day of school baka malate nanaman oyat!" tinignan ko na lang ng masama si Charles habang tumitingin sa bulletin board kung anong section ako.
"Sandale! Ni hindi ko pa alam section ko tapos mamadaliin mo ko? Mauna ka ng hinayupak ka!" At nagpatuloy ako sa pagtingin ko ng section pero hindi ko mahanap.
"Bobits ayan pangalan mo oh! Hizon, Matt Tyrone S. magkaklase ulit tayo anong bago?" Natatawang biro niya sa akin.
"Oo nga, sabagay sawa na din ako sa pagmumukha mo. Tara na dagukan pa kita d'yan eh." At nauna akong maglakad sa kanya.
Habang naglalakad sa corridor ng grade nine building hinahanap ko yung section namin na 9- Agapito Flores, late na din kami ng 5 minutes kakahanap ng section.
"Boi, ayon sa gitna yung section natin hehe." Sambit ni Charles sa akin kaya lumapit kami doon at hinanap sa pintuan yung list ng mga pangalan na nandoon nakita naman namin kaya pumasok na kami.
'New classmates, tss bakit kasi hindi na lang block section! Amp."
"Boi, wala pa naman yung adviser makipagkaibigan muna tayo sa kanila. Tara bilis!" Naiinip na sabi ni Charles.
"Tara mag-isa ka." Pang-aasar na sagot ko sa kanya.
"Bahala ka d'yan uminit pwet mo sa upuan." Kaya ayon iniwan niya ako at naghanap ng makakausap.
Fifteen minutes after bago dumating yung adviser namin kaya lahat ng mga kaklase ko ay nanahimik at bumalik na sa kani-kanilang upuan.
"Good Morning, 9- Agapito Flores" bati niya sa amin pagkapasok ng room.
"Goodmorning Sir--"
"Mr. Ricardo Matundan, RM for short." Pagpapakilala niya sa kanyang sarili habang lahat kami ay nakatayo. "Again, Good Morning 9- Agapito Flores."
"Goodmorning Mr. RM! Mabuhay!"
"Okay sitdown class." mahinahong sabi ng adviser namin. "Ayoko na ng mahaba habang pagpapakikilala tungkol sa sarili ko well kilala niyo naman na ako noon pa, sa mga nahawakan kong klase noon sa drafting? Ako ang magiging adviser niyo for whole year at drafting professor niyo din." Mahabang pagpaliwanag niya sa amin. "Gusto niyo pa ba magkaroon ng seating arrangement?"
"Opooo!"
"Hindi po, Serr okay na 'to"
"Seating arrangement na aarte pa e."
"Ayoko sir!"
Nagkaroon ng iba't ibang sigawan sa loob ng room namin kaya maski ako nakisama dahil ayoko magkaroon ng seating arrangement oks na 'to katabi ko naman si Charles e haha.
"Staaaap ettt! Labas lahat dalhin ang mga gamit! Now!!!" Nag-iinit na ulo na banggt ni Sir RM kaya wala kaming nagawa kundi sundin iyon ng bagsak balikat at isa-isa kaming pumila.
Nang lahat kami ay nasa labas na isa isa niyang tinawag ang mga apelyido ng pangalan namin in short, mero'ng seating arrangement!
'Tss kinder..'
"Dulva! Sa harapan ka!"
"Allosada! Katabi ni Dulva!"
"Saquilabon!"
At kaunti na lang kaming natira dito dahil halos lahat ay natawag na ang natitirang seats na lang ay sa gitna tatlo pa ang walang seat it means tatlo na lang kami dito.

BINABASA MO ANG
UnLucky To Love You
Teen FictionMay minahal ka na ba? Paano mo siya nagustuhan? Pinaasa ka lang ba niya? Sinaktan? Linoko? Ginawang tanga? Pinaikot- ikot? Sa kabila ng mga flaws at kasalanan niya masasabi mo pa kayang true love yan na pinana ka ni kupido? Hindi ba't ang martyr mo...