Chapter 1

82 5 2
                                        

She woke up and stood in front of that mirror, who had been staring at her innocence the whole night while she's sleeping. In her little world, the girl in the mirror was her sole companion.

Whenever in doubt, she would go and stand there, pour her heart into that mirror. Oh yes, she needed a friend in whom she could confide and that mirror was all that she could find..

Gianna's POV:

Umaga na naman. Paulit ulit na lang ang mga ginagawa ko araw-araw. Prepare sa umaga, pasok sa work, then uuwi nang diretso sa condo ko. Minsan naiisip ko nakakasawa na rin eh.

I'm Gianna Isabelle Cortez. Living on my own. And ayokong umasa na lang sa parents ko kaya after kong gumraduate, bumukod na ko. But syempre, tumutulong pa rin ako sa kanila kahit papaano.

Noon, ang saya ko dahil independent na ko. Nagagawa ko lahat ng gustuhin ko. Tapos meron akong napakamapagmahal na boyfriend.

But everything has changed simula nangyari ang aksidenteng yon...

**FLASHBACK

"Baby, which one do you prefer? The color gray or the pink one?" I'm referring to the longsleeves polo shirts na susuotin ni Andrew sa engagement party namin mamayang gabi.

"Uhm, the pink one baby. Tinatanong mo pa ko eh alam ko naman na yung pink pa rin ang ipapasuot mo sakin." He smiled at me. Held my hand for a while at saka hinalikan ito.

He never fails to make me happy and feel so secured sa apat na taon na relasyon namin. Kaya mahal na mahal ko 'tong lalaking 'to eh.

"I love you baby.."

"I love you more." and I kissed him on his cheeks.

"Ohh. Magconcentrate ka na dyan sa pagddrive mo. Sabi na kasing wag mo na kong ihatid eh."

"At kelan pa nangyari yun ha? Kahit kelan di pa kita pinabayaang umuwi mag-isa. Alam mo yan, baby." Parang batang nagtatampo. Di sya lumilingon sakin. Nagagalit kasi sya pag ipinipilit ko yung gusto ko eh.

"Opo na nga. Eh kasi naman baby magpamiss naman tayo sa isa't-isa minsan.." Sabi ko na may kasamang paglalambing sa boses ko. Humawak ako sa braso nya then I put my head on his shoulder.

Until...

"Babe, hit the break!"

I was shocked nang makita kong may nag-overtake na kotse samin. Mabilis ang takbo nya.

At nangyari na nga ang nagpabago sa takbo ng buhay ko...

"Nasaan ako?" Tanong ko sa babaeng nakaputi. Nurse ata. Saka ko lang narealize na nasa hospital ako.

Bigla kong naalala si Andrew.

"Miss? Nasaan na yung kasama ko? Okaay lang ba siya? Miss?! Ayos lang ba si Andrew? What happened to him? Is he okaay?!" Napalakas na ang boses ko dahil hindi siya sumagot kaagad.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam 'to. Naiyak na lang ako nang maalala ko yung mga nangyari kanina. At naramdaman ko na lang na kumikirot ang ulo ko.

"Miss, please stay calm. Tatawagin ko lang si Doc. Papunta na rin dito ang parents mo." May ininject siya sakin. Hindi ko alam kung ano yun pero para kong nanghina at biglang inantok.

I opened my eyes. Nakatulog pala ako. I saw Tita Sally and Tito Andy. Andrew's parents. Nandito din si mommy at daddy.

"Mom? Dad? Tita? Tito? Si Andrew po? Nasaan po siya, gusto ko siyang puntahan." Pinipilit kong bumangon sa kamang kinahihigaan ko. Pero hindi ko talaga kaya. Ang sakit talaga ng ulo ko dala na din siguro ng head injury ko.

Nakakainis. Gusto kong tumayo! Gusto kong makita si Andrew! *cries

"Anak, magpagaling ka. Wag mong pilitin muna bumangon. Kailangan mong magpagaling para kay Andrew, iha." Malungkot ang boses ni Tita Sally.

"Si Andrew, wala na siya anak.. Masakit man pero kailangan nating tanggapin ito." Humagulgol na ng iyak ang mga tao sa loob ng kwarto.

Parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko. Walang patid ang luha na nagmumula sa mga mata ko. Totoo ba ito? Sana panaginip lang ang lahat.

Andrew, mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka... Sana panaginip lang ang lahat...

</3

**END OF FLASHBACK

Habang nakatingin sa salamin, umiiyak na naman ako. Inaalala ang mga masasakit na pangyayari sa buhay ko. But I have to go on with my life now.

Hindi pa rin siya nawawala sa puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon eh. Simula nung nakilala ko yung nasa panaginip ko, nakakalimutan ko ang sakit ng nakaraan..

There's something in this guy that I can't explain. I'm referring to the guy in my dreams. Palagi ko siyang nakakasama sa panaginip ko. I feel so comftable when I'm with him.

He was tall, fair-skinned and has a broad shoulder. Has a thick defined eyebrows. And his eyes... oh, his eyes.. That's what I love the most.

Ang seryoso ng itsura nya, pero once na nagsmile na siya, you'll automatically smile after him. He's almost perfect and makes me wonder if he's real or just a man of my dreams. But despite of all, kahit na alam kong sa panaginip ko lang siya makakasama, I know.. Masaya ako pag kasama ko siya..

Alam kong mali.. Pero may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya.. Am i falling inlove with this guy? Ayokong umasa pero parang nababaliw na ata ako.. Dahil sa tuwing nagkakasama kami ay nagiging masaya ako. Na para bang ayoko nang gumising sa katotohanan na panaginip lamang ang mga ito. 

---

A/N:

Hellooo po! Cut ko muna yung description ni guy. Nakakainlove talaga siya. </3 Pati ako inlove na sa kanya. Hahaha :))))

Sana totoo na lang siya noh?

Please vote and comment po.

Para ganahan ulit mag update ng 2nd chapter. :">

Thankeeeee!

ELLAvyousoo~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove With A TravellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon