Dahil sa sobrang inis ko kay Reed ay hindi na ako lumabas pa ng aking silid maghapon. Nagpahatid na lang ako ng makakain sa room ko dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya sa baba. Baka mabato ko pa siya nang pinggan. Isama na pati kubyertos at baso.
Bwiset talaga siya! Naisahan niya naman ako at iyon ang kinaiinisan ko.
Imbes na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko ay nawalan na ako ng gana kaya humiga na lang ako sa malambot kong kama at nag mumuni muni.
Ay mali! Erase. Nag iisip pala.
Nag iisip ng plano kung paano ako makakaganti sa ginawa niya sa akin. Nilapastangan niya ako. Huhuhu. K ako na ang OA.
*Beep beep* Bigla na lang akong napabangon nang marinigko ang pamilyar na businang iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay sina mommy at daddy na iyon. Dali-dali akong lumabas ng room ko at bumaba ng hagdanan. Muntik ko na nga masagi ang isa pang vase malapit sa pintuan buti na lang alerto akong nakaiwas.
Pagbaba ko ay aabutan ko pa si Reed na nagbabasa ng magazine sa sala at komportableng nakaupo with matching patong pa ng mga paa sa center table. Ngrrrr. Jerk talaga!
Napansin niya na dumaan ako kaya binaba niya ang binabasa niya. Nung nagtama ang mga mata namin laking gulat ko nang kumindat siya sakin. And I was like asdfghjkl. Gag* siya ah. Kung makaasta parang walang nangyari kanina. Sorry kung puro mura, pero naiinis talaga ako.
Nag igting ang bagang ko. Papatulan ko pa siya sana nang naalala ko na andyan na pala sina mommy sa labas. Baka makita pa kaming nag aaway if ever nang 'kuya' ko kuno. Hindi ko na lang siya pinansin at lihim na lang na sinasakal hanggang sa mamatay sa mind ko pagkatalikod. Oh good Lord. Forgive me.
"Mom! Dad!" bati ko sa parents ko pagkapasok nila ng front door. Naka pormal sila ng suot. I guess sa party sila galing or sa isang gathering. Sinalubong ko sila at hinalikan sa pisnge.
"Hey baby girl" ginulo pa ni dad ang buhok ko. Palagi niyang ginagawa yun sa akin. "Kuya mo?" tanong niya.
So alam na pala nila na uuwi si Reed dito. Bat nila nilihim? Argh. Wala ba akong karapatan na malaman? I mean diba miyembro naman ako ng pamilya ko. Obvious naman. Pero diba dapat aware din naman ako sa mga nangyayari.
Bakit ako lang ang hindi updated? Masyado na ba akong lulong sa pag-aaral?
Ngumuso naman ako. Bigla na lang humalakhak si daddy at napailing. "Let me guess. Ininis ka naman no?" Inirapan ko na lang siya. "HAHAHAHA. Sabi na nga ba. Na miss ka lang nun baby girl." Napangiwi naman ako. Miss his face. Pwede na akong masuka. Asa!
"Dad. Tita."
And speaking of the asungot.
"Good evening po." Bati niya at humalik din sa pisnge ni mommy at yumakap naman kay dad pagkatapos. K. Ako na ang op.
"Welcome home son." Sabi ni dad nang humiwalay ito sa pagkayakap nito at tinapik tapik pa ang balikat niya.
"Ow hey sis andyan ka pala. Kanina ka pa?" Pasimple niya akong inakbayan. Dahil may allergic reaction ang katawan ko sa kanya ay agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Pero in a pasimple way. Eew! We're in front of our parents kaya tapos gaganun siya.
"Oh shut up." mahina ko siyang sinuntok sa tiyan na ikinatawa naman nina daddy at mommy. Grrr. Asar!
"Ay. Nagtatampo si baby girl? Lambingin mo dali. Hahahahaha." Napangiwi ulit ako sa sinabing yun ni dad.
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag-usapan dahil nag walk out na ako at umakyat pabalik sa room. Halata naman na namiss nila si Reed kaya hahayaan ko munang ma solo nila siya para kami naman ang mag so- solo mamaya.
Pwe! Parang iba ang tono. Let's rephrase it. Na miss nila si Reed kaya kailangan naman nila nang alone time together. Ikaw ba naman ay hindi umuwi ng bahay for 5 years? Sinong hindi makaka miss sayo? Syempre halos lahat and I'm the only exception. I so hate him to bits kaya. Kami naman, mag so- solo mamaya kasi magtutuos pa kami. Okay na ba?
Maya-maya at bumaba narin naman ako dahil pinatawag ako ni daddy sa maid namin. Kakain na daw ng dinner. Hindi naman ako makatanggi dahil after 5 years ay magsasama ulit kaming 4 na kumain sa hapag. And if sasabihin ko na mag- aaral ako, they will not buy that reason either. Kahit valid naman ito. Kaya wala akong choice kungdi ang kumain kasama nila.
"Kamusta sa Cebu?" pag-iintriga sa kanya ni mommy.
"Okay naman po. Parang Manila lang." casual na sagot ni Reed habang nilalantakan ang adobong manok na niluto ni mommy.
"Buti hindi ka nahirapan?"
"Nung una po. Medyo. Lalo na sa dialect. Pero nang kalaunan ay naka adjust din naman."
Nag- usap pa sila tungkol sa med years ni Reed. Hindi naman ako masyadong op dahil familiar din naman ako sa mga med terms na pinag- uusapan nila kaya nakaka relate ako. Minsan pinipilit nila akong isali sa usapan lalo na sa topic na plano kong mag proceed din sa medecine after kong magtapos ng nursing. And they're suggesting na magpatulong daw ako kay Reed kapag nahihirapan ako sa studies ko. Tss. Siya na ang matalino.
Hilaw na ngiti na lang ang sinusukli ko. Pero Duh! No thanks. Kaya kong magsikap
"Are you staying for good hijo?"
Bago sumagot ay sumulyap pa siya akin.
"Uh, hinihintay ko na lang na ma release ang result ng board exam. I considered mom's suggestion na sa St. Lukes na lang ako mag residency tutal nandoon na rin naman siya. Then maybe, I can stay for good."
Ako naman, napanganga.
BINABASA MO ANG
AKYAT BAHAY (Short Story)
RandomOriginally posted in Miscellany. One Shot Collection. Akyat Bahay (c) ammyghed Ongoing Series