Love and Hurt

85 4 2
                                    

Nagising ako ng naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko at ng pagmulat ko nakita ko ang isang mejo matandang lalaki na mukhang pamilyar sakin, napakunot tuloy ang noo ko.

"Magandang araw po Miss Guillianne." sabi nung matanda na naka uniform sabay yuko sakin.

Luminga linga naman ako sa paligid, pamilyar sakin ang paligid pero nasan ba ako? Ah, badtrip! Nasan ba ako? Pero nasagot ang katanungan ko ng may biglang sumigaw habang tumatakbo papalapit sakin.

"Lianneeeeee!!!!!! Ikaw ba yan? Sa wakas nakarating kana rin!" sabi ni Cha sabayang yakap sakin. Tama, nan dito kami sa hacienda nila which is dito talaga siya lumaki pero ah basta may sarili siyang kwento. 

"Ay hindi Cha, hindi ako ito, kaluluwa ko lang 'tong nakikita mo. Sige bye and die." sabi ko sabay irap at talikod. Kainis talaga 'tong bruhang 'to.  This is kidnapping!

"Hahaha. Ewan ko sayo tara na sa loob at mag-kape." sabi ni Cha. Then sumunod na ako. Nan dito kami ngayon sa terrace sa 2nd floor ng bahay nila, kitang kita rito kung gaano kalaki ang sakop nila.

"So ano, kinidnap mo ako rito para magkape lang? Jusme! Sayang sa oras may pasok tayo diba? Bakit ka rin nan dito?" tanong ko sakanya then bigla siyang sumeryoso.

"Nan dito ako kasi nan dito ako." seryoso niyang sabi sabay tawa.

"Hahaha! Joke lang! Eh kasi naman na saan ba ang utak mo? Nakalimutan mo ba na 1 week before ang annual Interschool Cup ay pumupunta tayo dito para mag-practice? Tss. hello? Earth to Guillianne!!!" sabi ni Cha sabay kain ng strawberry muffin.

"Ay oo nga 'no. Sorry naman nakalimutan ko. So anong plano? Where's Milette?" sabi ko. Naiiyak ako bigla, nakakainis naalala ko bigla ung nangyari kanina.

"First of all, don't say sorry. Second, kasama ni Milette si Nash sabay daw sila magpa-practice. Third, ok na ang plano darating si Tita Danica tonight to help us. Ang lastly, sabi sakin ni Mang Kanor naabutan ka raw niyang umiiyak ng sunduin ka niya so that's the reason why kung bakit namamaga ang mata mo? Si Damon yan 'no? Whooa, ang haba nun ah. So sasabihin mo ba o sasabihin mo?" sabi ni Cha.

Namutla ako at naramdaman kong nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko hanggang sa humihikbi na ako.

"Oh, you're crying... Oh shit! You are really crying!" sabi ni Cha then agad agad niya akong dinaluhan at hinimas ang likuran ko.

"Shhhhh. It's ok, sige lang iyak ka lang." sabi ni Cha.

Ilang minuto ang lumipas ng tumigil na ako sa pag-iyak pero humihikbi parin ako.

"So? What's the story?" tanong sakin ni Cha. Sasabihin ko ba? Parang di ko kaya. Nakatingin lang ako sakanya at halatang gusto niyang malaman ang nangyari.

"It's ok if you're not ready yet. I respect it." sabi ni Cha sabay ngiti.

"Th-thanks." sabi ko.

"Hehe. Wala un. Ay ano ba yan ang awkward! Oh tissue. Punasan mo yang sipon mo kadiri ka. ahahah" sabi ni Cha habang tumatawa. Agad ko namang pinunasan ang ilong ko, at nagulat ako ng malaman kong tumutulo ung sipon ko! Shocks!!! Kadiri sobra! Nakakawala ng poise!

"Bwahahahaha. Guil, para kang batang gusgusin! Hahaha!!!! Shems! Teka nasaan ung phone ko? Dapat pala pinicturan ko hahaah! epic!" sabi ni Cha habang tinitingnan ko siya ng masama.

"Hahahahah! Ha----- Ay paking teyp na yan! Ang sakit!" sabi ni Cha at agad naman ako napatawa ng malakas. 

"Hahahahah! Ayan ang bilis ng karma! Nahulog ka tuloy sa upuan. hahaha" sabi ko.

"Tse! Sige bababa muna ako, nasa baba raw ang si Beb." sabi ni Cha.

"Beb? Who?" sabi ko.

"Nathan." sabi ni Cha sabay ngiti ng pagka tamis tamis at umalis na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're my KryptoniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon