The Truth (Chapter 5)

92 2 0
                                    

Kathryn's pov

Umalis si manang Fe kasi kailangan niyang umuwi sa probinsya nila kasi namatayan sila. So kami lang ni Dj ang nasa bahay. AWKWARD. Mapapunta na lang nga si Enrique.

To:Enrique

Bey punta ka dito sa bahay please? Dala ka Siomai pleaaaase?

From: Enrique

Sorry bey! Di ako makakapunta sasamahan ko kasi si mama sa Business trip niya. 1 week yun. Ngayon na flight namin. I'll make up to you pagdating namin.

Hala so it means Wala akong makakasama kundi si Daniel?! Aiish

To:Enrique

ganun? :( Osige ingat kayo ni tita. Oy pasalubong ko ha. Ingat.

"KATHRYYYYYN" Huh? si Daniel ba yon? anong nangyari? matingnan nga.

*tok*tok*

walang sumasagot :3 Pasok na nga lang ako.

"OHMY?! Daniel anong nangyari sayo?!" Sabay lapit sakanya. Ay Ang init niya.

"May lagnat ka! Ano ba kasing ginawa mo at nagkalagnat ka? Teka pagluluto kita ng Soup magpahinga ka lang dyan" Hay. kahit galit naman ako sakanya may care parin ako. Kababata ko yan Eh bago kami maging kami at Ipagpalit niya ko.

Ayun nagluto ako. kumuha ng Gamot at tubig at bimpo.

"Daniel bangon ka saglit,Kainin mo to oh. habang mainit pa" Ayun sinubuan ko siya ng Soup na linuto ko.

"Aww ang init" Daniel.

"Ay sorry sorry! eto tub----"

"Kathryn, ano bang nangyari satin? Bakit nawala nalang ang lahat?" Brini-Bringup na niya yung topic.

"Ha? eto gamot inumin mo na" Pagiiba ko sa topic. ano ba yan may sakit siya eh.

"Per----" I cut him

"Tsaka nalang natin pagusapan yan pag magaling ka na" sabay lagay ng Bimpo sa noo niya. "Magpahinga ka na Daniel"

"D-dito ka l-lang kathryn. W-wag mo akong iwan p-please?" Sabi niya habang nanginginig.

"Ha? ah sige" umupo ako sa Upuan sa may study table.

"Dito ka sa tabi ko please? Malamig eh" Oo nga bukod sa may lagnat siya Umuulan din :3 Hays. Tumabi ako sa kanya. Dati pag may sakit ang isa saamin noong bata kami inaalagaan ng magaling yung may sakit. Hindi siya umaalis sa tabi ng isa hangga't may sakit pa.

"Kathryn sobrang lamig" Hala. No choice. Body Heat –_— Paraan mo padilla ha! Ayun yinakap ko siya.Yinakap niya rin ako. Namiss ko yung times na ganto kami. Yung maayos lahat. Hays.

FASTFORWARD.

nagising ako kasi parang may nakatitig sakin. Minulat ko yung mga Magaganda kong mata. Hahaha. Si Daniel pala.

"Matunaw ako padilla. ano? magaling ka na? Tanong ko sa Taong katabi ko.

"Oo naman magaling nurse ko eh" Sabay kindat. Aba't loko to ah! Feeling ko nagblublush ako :3 Kaya Tatayo na sana ako ng Biglang Hinawakan niya ang Kamay ko.

"Kathryn Pwede na ba nating pagusapan?" Ready na ba ko? Haya bahala niya.

"Ganito yun, nung sinugod ka sa ospital. Tumawag ang mama ko at pinapasunod ako sa Us. si Carmella kasi May cancer. hinihiling na puntahan ko siya. syempre hindi ko matatanggihan yung bunso kong kapatid. kaya agad na umalis ako ng pinas. Di ka pa gumigising noon.  Ayaw din saakin sabihin ni Tita min kung ano yung sakit mo. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam na aalis ako" okay? Kahit ayaw saakin sabihin ni mama yung sakit ko. Alam kong may taning na ang buhay ko. 1 year nalang ang itatagal ko. Pero ayoko sabihin kay Dj yun. Gusto ko maging masaya siya.

"Oo alam ko lahat ng yon. Sinabi saakin ni Mama.Pero Dj, Akala ko pumunta ka ng Us para sa kapatid mo lang. Umasa ako na Babalikan mo ako. pero Bigla ka nalang Magtetext na ( I'm sorry Wag ka ng umasang babalikan kita. Nakita ko ulit si Bea. Mahal ko siya.siya lang minahal ko. Di kita minahal.) Tapos nagsend ka pa ng Picture nyo habang Naghahalikan?! Aba't ang kakapal ng mukha niyo!" Ayun sumigaw na ako. umiiyak na rin.Totoo yun. si Bea Binene ang Unang gf ni dj. nagbreak lang sila dahil nawalan sila ng time sa isat isa.

"Kathryn! Anong sinasabi mo?! Hindi ko tinext yon! at yung Kiss?! Hindi ko sadya yun! Sya lang may gusto nun" Pagpapaliwanag niya. what the?! Eh sino may pakana nun?

"Eh sino nagsend nun?!" Di ko alam kung maniniwala ako.

"Baka si Bea at ang mga alipores niya! kasi nung time na yon lasing ako kasi sobrang nadepress ako noon. tapos nakita ko si bea. Syempre naka move on na ako.  Hindi ko na siya mahal noon kasi ikaw na ang mahal ko kaya akala ko nakamove on narin siya kasi sabi niya.Then ayun usap usap kami tas hiniram niya phone ko Lowbat daw siya itetext niya yung boyfriend niya pinahiram ko naman.Di ko akalaing ikaw ang itetext niya na ganun. binura niya yung tinext niya eh. tapos nagpaalam na ko Pero bigla niya kong hinila at Hinalikan. Hindi ko gusto yun Promise kathryn maniwala ka. ikaw ang mahal ko. Ikaw lang." Ha? Ewan ko kay Daniel Sumasakit ulo ko.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi" Cold kong sabi. Pumunta ako sa Kwarto ko at uminom ng gamot na binigay saakin pag sumasakit ulo ko.

"YOU LEFT WITHOUT A PERMISSION DON'T COME BACK WITH AN EXCUSE"

-----------------

So, What can you say about the truth? Hays feeling ko ang sabaw :( Hahaha Vote? Comments :)))) ABANGAN ANG PAGEEFFORT NI DANIEL PADILLA! ❤

-Ky

Last Chance (KathNiel)∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon