Lillian’s Point of View
June 5. Thursday. 9:00pm. California, USA. Los Angeles Airport
“Sweet heart, let’s go…” sabi ni Mom sa akin. Kinuha na namin ni Mom yung mga suitcases namin. Nasa airport kami at tinawag na kasi yung mga passengers para sa flight papunta sa Pilipinas.
Ako si Lillian, Lil ang nickname ko. 15 years old. Isa na akong 4th year student. I can describe myself as a sweet and simple girl. Tumira kami sa LA for almost 2 years pero ngayon babalik na kami sa hometown namin sa Pilipinas. Nagiwan kasi ang US ng bad memory para sa aming dalawa ni Mama. My Dad died from a car accident mga isang bwan nang nakakalipas. Nakakamiss si Dad pero nangyari na ang nangyari.
Ipagpapatuloy ang last year ko sa high school sa Pilipinas. Nakakamiss naman talaga yung hometown namin dun tapos baka dito sa US ako magaaral ng college.
May café shop kami sa Pilipinas for almost 3 years. Simula noong umalis kami sa Pilipinas iniwan muna naming yung café sa matalik na kaibigan ni Mama at hindi ko kilala kung sino yun. Naaalala ko pa na tumutulong tulong ako minsan sa café pag may time.
Nakasakay na kami sa eroplano. Umupo ako sa tabi ng bintana. Nilagay ko yung phone ko in airplane mode. After a few minutes nagtake off na yung eroplano.
Bye bye California! Philippines, here I come!!
I plugged in my earphones at nagsoundtrip na lang. Wala akong ginawa sa boong byahe kundi magsoundtrip, matulog, kumain, soundtrip, matulog, kumain. Mukang tataba ako pagdating namin sa Pilipinas.
Saturday. 9:30am
After almost isang araw na byahe nakababa na yung eroplano ng ligtas sa airport. Bumaba na kami sa airport at kinuha yung mga suitcases namin.
Sinundo kami ni Uncle sa airport gamit yung van niya.. Namiss ko rin mga relatives at friends ko rito sa Pilipinas. Nilagay na namin yung mga bagahe naming sa likod ng van.
Noong pinaandar na ni Tito yung van naging curious tuloy kami kung saan kami titira. Tinanung ko si Mama.
“Ma, Saan tayo titira?” nilapitan ko si Mama na nakaupo sa tabi ni Tito sa harapan.
“May nakahanadang bahay para sa atin nak. I’m sure you’ll our new house.” Kitang kita sa mga ngiti ni Mama na siguradong sigurado siya na magugustuhan ko yung bahay.
“Ahhh. Ok.” I smiled and went back to my seat
After ng ilang oras na byahe nakarating na rin kami sa tutuluyan namin. Pagkalabas ko ng van nakita ko agad yung bahay na titirhan namin.Tama lang yung laki ng bahay.
Parang naaalala ko itong subdivision na ito, ito rin yung dati naming hometown.
Tinulungan kami ni Tito na ibaba yung mga gamit naming sa loob ng bahay. Pagpasok naming sa bagong bahay naming nagustuhan ko agad. Modern at may mga furniture at appliances na agad. Gusto ko tuloy Makita yung bagong kwarto ko.
“Ma, I’ll go upstairs. Titignan ko na rin yung bago kong kwarto.” Dala dala ko na yung suitcase ko at handa nang umakyat ng staircase.
“Ok sweetheart.” Sabi ni Mama habang tinutulungan si Tito sa mga gamit naming.
Umakyat ako upstairs at hinanap ko agad yung kwarto ko. Binuksan ko yung unang puting pinto, malaki yung kwarto, sure ako hindi akin to, para kay Mama ‘to.
Binuksan ko yung pangalawang pinto. Mukang akin itong kwarto na ‘to. Kulay pink yung yung walls tapos may malaking carpet sa sahig. May mga furnitures na.
Nilapag ko yung suitcase ko sa sahig malapit sa higaan ko. Meron akong malaki at malambot na kama, sofa, flat screen tv, closet,bathroom at kung anu anu pa na nagustuhan ko talaga.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets The Sweet Girl
RomanceLillian Edwards, the sweet girl meets the bad boy, Xander Fernandez.