Chapter 36: Doubles

371 9 0
                                    

Lutang na pumunta si Sam sa paaralan nila. Hindi sila magkasabay ni Joshua kasi nalate si Joshua ng gising. Naglaro pa daw kasi si Joshua ng psp kagabi kaya ayun.

Walang kasama si Sam ngayon. Nakakita naman siya ng mga couples sa gilid, nagPPDA. Nasaan ba ang student government ngayon? Isip ni Sam. Bitter kasi. Haha.

Malapit na kasi ang February, as we all know as the love month. Kaya maraming nagchachansing couples.

'Hmp, ang loner ko ngayon.' Bulong ni Sam sa sarili niya.

May lumilingon naman sa kanyang mga single boys sa school nila. Who would not notice her? Well, nagsuot naman kasi siya ng sleeveless top, their school jogging pants, and her neon dollar kicks. She didn't wear any makeup now, except for her EOS lipbalm. Despite that, she even looks pretty and gorgeous. P.E kasi nila ngayon, badminton.

Noon nandun na siya sa pintuan ng classroom nila, sumulyap siya doon sa room nila Renzo.

Nanigas naman si Sam sa nakita niya. She never thought this would go this far. Kissing in public? O'cmon.

Renzo and Hannah Gayle is fiercely kissing inside their classroom with their classmates looking.

Sumikip naman ang dibdib ni Sam.

Sam's POV

Sakit.

Kahapon lang, hinalikan at sinabihan ako ni Renzo na mahal niya ako. Kahapon, parang may nagbuong chance, parang nakuhaan yung mga tinik sa puso ko, I slightly believe in him, in his words. Nakita ko kasi ang sincerity niya...

Pero ngayon? Ano to? Ano yung sinasabing mahal niya ako? Peke lahat? Ang sakit. It hurts more than before.

Does he want me to suffer?

"Anyone who would try to steal my boyfriend, back off, because I might just kill you." Palakas na sabi ni Hannah Gayle sa mga nakatulalang classmates nila.

Tutulo na sana ang luha ko when someone's chest appeared infront of me.

"Excuse ng- Jo.. S-shua?" Natigilan naman ako, gusto ko sanang makita ang whole scene nang biglang hinarangan ako, pagtingin ko.. Si Joshua pala. Hindi siya nakangiti ngayon... Nakapokerface lang siya habang tinitingnan akong malapit ng iiyak. Parang galit.

"You don't need to see nor hear them Sam. Why do you keep on pushing yourself? Stop it. You look dumb at ikaw lang din ang masasaktan." Sabi niya.

I hugged him before everyone could see my tears.

"How can I stop, Joshua? Tell me.. Because I love him that much.." Bulong ko sa kanya.

Joshua heaved a heavy sigh. "I'll help you. Trust me." Then he hugged me. Oh God, I need this right now.

Kumalas naman siya at binigyan ako ng panyo.

"Wipe your tears. Smile, sige ka, hindi kita ilibre mamaya ng ice cream." He gave me a smile. Nakakagaan talaga ang mga ito...

Ngumiti naman ako and by that he bowed para magkalevel lang kami and gave me his sweetest smile at tsaka ginulo ang buhok ko. Umalis naman siya pagkatapos. Oh God, he's like a guardian angel, thank you for sending him to my life. :)

*

P.E CLASS

Shit. Nagmerge ang section namin tsaka section IV- A

Section nila ni Renzo tsaka... Ni Hannah Gayle.

Bakit ang swerte ko ngayon? -.-

Sabi kasi ng P.E teacher namin, mas maganda daw kung higher level ang mga kontra namin para mas maenhance yung badminton skills namin. Tsaka, nagreview din ang fourth year ng badminton and to sum it up na pareho lang kami ng schedule.

Gawd, how lucky! -.-

"Ang cute mo talaga, Renzo!" Sigaw ni Hannah Gayle. Nagsasadya ba siya?! Kailangan pa talaga sumigaw? Napayuko nalang ako. Nandito pa kasi ako sa bleachers kasi hindi pa turn namin. Kanina pa akong pasulyap-sulyap ni Renzo. Pero hindi yung pahalata masyado. I know, I'm pushing myself again.. I just love him, what's wrong with that?

"Tssssk, parang maganda.." Sabi ng boses. Tumingala naman ako, at nakita ko si Hannah, yung kapatid ni Renzo. Sinabihan niya bang panget si Hannah Gayle?

"S-sino?" Tanong ko naman para masure.

Sinamaan niya ako ng tingin at tumaas ang kanyang dalawang kilay.

"Yung babaeng kung umasta, parang octopus. Kapit nang kapit sa kuya ko. Tssk." Si Hannah Gayle nga. "Anong pangalan ng panget na malandi na yan?" Tanong niya sakin habang tumitingin na naman dun ni Hannah Gayle at sa kuya niya.

"Hannah.. Hannah Gayle.. Ewan kung anong apelyido." Sabi ko.

Parang galit na shock naman niya akong tiningnan.

"Are you fvcking kidding me?! Hannah?! Sht! I must change my first name or I might just erase it. I will never ever use Hannah again! Urrrgh!" Reklamo niya na parang binagsakan ng langit at lupa.

"Hannah, are you alright?" Sabi ng friend niya, si Lexie. Classmate ko din.

"Urrrgh! Don't you dare call me Hannah again! Call me Jane!" At nagwalk-out...

"Anyare dun?" Tanong sakin ni Lexie. Nagkibit balikat lang ako.


*


Lintek na doubles!

Kung bakit pa kailangan magdoubles! At kung bakit kailangan ako lang ang walang partner sa class namin! Urrrrgh!

Gusto niyong malaman anong nangyari?

Renzo and Hannah Gayle versus Me and Joshua.

Wow, parang sinasadya na ng tadhana ito ah?!

Wala sana akong partner, wala naman nagvolunteer para maging partner ko sa class namin kasi napagod silang lahat.. Si Lance at si Eric? Ewan.. Kaya si Joshua na lang ang nagvolunteer.

"Ba't kaba nagvolunteer?!" Pabulong kong sigaw. Gusto ko kasing hindi maglaro. Hindi sana ako makakalaro kanina dahil wala akong partner.

"Points mo tsaka extra points ko din." And then we wink at me.

Hinampas ko siya sa balikat niya.

"A-aray!" His forehead creased pero unti-unting ito nawala at ngumisi ng kay kasing laki.

"HAHAHAHAHAHAHAH!" Tawa ako nang tawa, he is already tickling me.

"Oh! Uulit ka pa ba sa panghampas sa akin?! Hahaha!" Sabi niya habang kinikiliti ako.

May kiliti pa man din ako. Tsk

"O-oy! Tama na, J-joshua! Hahahahaha!"


*priiiiiit*

"Ms. Sung and Mr. Pormantejo! Umayos nga kayo! Wag niyo munang ipairal ang landi! P.E time na P.E time!" Sigaw ng P.E teacher namin.

>_<

Waaaaah! Kahiya! Nandito na nga pala kami sa court!

"Sige! Start na kayo!" Dagdag nito.

Tumingin naman ako sa mga kalaban namin. Napatingin ako kay Renzo, nakatingin siya kay Joshua nang masama. Napatingin naman ako kay Joshua, ngumisi ito kay Renzo O.O anong nagyayari, guys?

Si Hannah Gayle naman, ang sama makatingin sa akin. Ano kaya ang kasalanan ko sa kanya, nasa kanya na nga si Renzo. Ano pa ba ang ikinagagalit niya sa akin?! Tsk.


*priiiiiiiiit*


-
A/N: Update muna before class! Huhubelles! Klase na bukas! Pwedeng extend muna?! Kasi wala pa akong uniform. Nawala, kinain ni cookie monster. Geez. Nakakawalang gana pumasok bukas. So here's an unedited update. Hope you like it guys ;*

Ano kaya ang mangyayari sa game nila guys? Up to the next update :)

Nainlove Ako Sa Isang Snob (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon