Chapter 3: Chat

1.4K 25 6
                                    

Sam's POV

Pauwi na kami ni Drew ngayon. Sakay ang sasakyan niya. RK ee! Fourth year highschool palang, may sasakyan na.

"Thankyou drewberry biscuit!" sabi ko kay Drew pagkalabas ko ng sasakyan niya.

"Sampatootie!" sigaw niya at umalis na. Ayaw niya kasing tawagin siyang drewberry biscuit ee favorite ko yan!

Pumasok na kaagad ako sa bahay namin at nakita sina mama, papa at Sherlyn sa loob.

"How was school, darling?" sabi ni mama na katabi ni papa na busy sa pagbasa ng newspaper.

"Okay lang po. Ikaw, Sherlyn?" ani ko kay Sherlyn na gumagawa ng burger. Nagutom ata.

"School's superduper okay sis! You want a burger?" sabi niya sabay halad ng isang burger. Kinuha ko naman.

"Thanks. Pasok muna ako sa room ko." English speaking ang family ko. Ako lang yata ang ayaw gaanong magsalita ng English samin. Mahalin ang sariling atin naman guys! Heehee

Nagshower ako at nagbihis na. Kinuha ko ang laptop ko at inopen ang Facebook.

Pribado ang timeline ko. Dalawa lang ang pictures ko. Ngayon at ang baby pic ko.

Gumagamit lang ako ng facebook dahil araw-araw kong inistalk si Renzo heehee shhhh

Sht. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito!

Oh, may bago siyang status. Hindi naman siya gaanong nagsstatus ah?

"What am I feeling right now"

Ewan ko ba ano Renzo! Hindi kami ikaw at paano ba namin malalaman kung ano ang nafefeel mo ngayon. Tsk tsk

Hihi sorry naman po, affected lang. Crush na crush ko ee!

Baka may connection ito sa nangyari namin kanina? Hindi kaya?

*pop*

HOLY! NAGMESSAGE SI RENZO SAKIN! NAGCHAT SIYA, NAGCHAT! OMG!

Okay slow down, Sam. Kinurap kurap ko ang mga mata ko. And sht, hindi talaga ako nananaginip.

Renzo: "hello! kumusta?"

Nainlove Ako Sa Isang Snob (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon