Ang isoryang ito ay handog ko sa otor ng UN na ayaw man lang i-share saken ang buong pangalan ni Papa Cruz =3=
dear Humi,
gusto ko talagang magdrama ngayon dito pero wag na lang kasi baka mabadtrip ka lang sa'kin at lalo mo 'kong apihin TT_____TT
Anyway…
Kahit mukha itong ewan, pinaghirapan ko to ng bongga okay? BAWAL LAITIN INUUNAHAN NA KITA. At dapat may reward ako, dapat magka otograp din ako kay xander! Dugtungan mo na ang UN! Ngayon na!!!!!!
SA KUNG SINO KA MANG NALILIGAW AT NAGBABASA NITO BUKOD KAY HUMI: OA ang kwentong ito, napakabasura at walang kwenta. Parang tanga, parang ako. LOL. Kumidyante ako sa tunay na buhay pero hindi sa panulat. Kung makornihan ka dito, kasalanan mo yan kasi binasa mo to, walang sisihan. Bwahahahahaha!
Gas, ba't ang daldal ko?
PS. May ADHD na ata ako... ewan.
Okay, start na.
__________________________
Haay, sino kaya yung magandang babaeng kasama ni Papa Cruz papunta dito?
*Selos. Selos. Selos*
Papa?? Papa talaga? Ano ko sya? Tatay? LOL. Hindi man lang "ser" ano? Ako na walang galang na employee! Okay lang yan, sa isip lang naman ako nagsasalita eh.
Balik tayo dun sa kanyang ka-date… DATE. Date? Ano sila kalendaryo? Weh, korni ko… daming alam.
*Selos. Selos. Selos*
Anta! Bakit ba kasi ako nakakaramdam ng ganito?
*Selos. Selos. Selos*
Hindi rin… Baket? May K?
Wala.
Arouch. Saklap naman.
*Selos. Selos. Selos*
Pero teka lang. Hindi ako nagsiselos 'no!
*SELOS. SELOS. SELOS*
Kulet lang?! Hende nga 'ko nagseselos eh!!! Arrgghhh!!!!
Hindi ako naniniwala sa selos. Mamaya pagagalitan pa 'ko ni Padre Ambrosio. Sabi nya kasi ang selos na kamag-anak ng inggit na isa sa seven capital sins ay hindi maaaring maging patunay ng LOVE, na according pa sa kanya ay something very noble (naks!). Oo nga naman, love is not jealous ayon sa Letter of Saint Paul to the Corinthians. Wag nyo lang itanong sa'kin kung pang-ilang letter, anong chapter at anong verse. Kasi kung alam ko edi sana binanggit ko na LOL
(Ang manermon sa'kin tungkol sa selos at pagiging sign nito ng pag-ibig, isusumbong ko kay padre ambrosio mwahahah)
So hindi ako nagsiselos.
E anong nararamdaman ko?
Ahm…
Labnat? HINDE!! Lagnat? PWEDE!!! Sakit?? OO!
Anta! Ano 'to Pinoy Henyo? Psh. May ADHD na talaga 'ko. Balik sa totoong usapan.
Sakit.. tama, sakit.
Hindi sickness o disease kundi PEYN. P-A-I-N. PAIN.