BABALA: Kung mainipin ka, mainitin ang ulo at diring-diri na sa mga kwentong ubod ng cliché, huwag itong basahin. Ito'y isang bagay na walang kabuluhan at para lamang sa mga a) gustong asarin ang sarili, b) walang magawa sa buhay o c) gustong malaman ang tunay naming labstory ni Papa Cruz <3333333
PS. Gusto ko lang kayong unahan, ako ang BIKTIMA sa istoryang ito okay? Hahaha!
Very much dedicated to my noodles, sabihin mo lang kung hindi mo ito nagustuhan at iluluto na talaga kita wahahahahaha!
____________________________________
"Sandali lang!" sigaw ko para habulin ang papasarang elevator at napigilan naman ang pagsara nito.
Bagaman hingal na hingal pa ako, agad akong nagpasalamat sa taong pumigil sa pagsara ng elevator para makasakay ako. Okay, bakit nga ba ako nagmamadaling makasakay ng elevator? Iyon ay dahil sa… hindi ko rin alam, basta iyon ang kailangan ng eksena. Isa pa, hindi na mahalaga ang bagay na iyon, ang mahalaga ay ang aking consistency sa paggawa ng mga gasgas na eksena. :P
"Thank you," sabi ko sa lalaking kasakay ko saka ako nag-bow sa kanya, ala koreanovela.
Tiningnan nya lang ako at ginantihan ng tungo na para rin syang tauhan sa isang koreanovela. Laking gulat ko na lang nang ma-realize ko kung sino sya.
Natulala na lang ako sa pagka-starstruck, si Papa Cruz!
UTOS NIYA FANFIC 2:
SI CRUZ AT AKO (TOTOO NA TOH!) \m/
Genre: fan fiction, humor, romance, drama, pakamatay na
"S-Sir Cruz, kayo po pala yan, pasensya na po hindi ko kayo agad namukhaan."
"It's okay," he said, flashing his perfect set of white teeth. Napakaganda ng ngiti nyang bagay na bagay sa kanyang mala-anghel na mukha. Tapos ay ibinaling na nyang muli ang kanyang paningin sa pinto, inaabangan ang pagbukas nito sa floor kung saan sya bababa.
Kinalma ko na ang sarili ko at inabangan na rin ang pagbukas ng pinto. Ay shet, hindi ko pa pala napipindot yung button kung saang floor ako bababa, I reached for the button where the number 5 was printed, ngunit dahil sa panginginig ng aking mga tuhod sanhi ng kabang dulot ng mabilis na pagtibok ng aking puso gawa ng matinding damdaming ikinukubli ng aking pagkatao para sa gwapong nilalang sa aking tabi (hanudaw??), nawala ang aking balanse.
In short, ako'y natapilok at halos tumumba na. Ngunit sa kabutihang palad, ako'y nasalo ng aking anghel. O di ba, sabi senyo, cliché kung cliché 'tong kwentong 'to eh. Masabi lang XDD
Hindi naman sobrang OA yung position namin na tulad dun sa climax ng una naming kwento. Bali nakatalikod ako sa kanya at nahawakan nya lang ako sa magkabilang biceps ko para hindi ako tuluyang matumba. Medyo naka-bend yung tuhod nya para naman alalayan ang kanyang bigat. At syempre, kahit nakatalikod ako sa kanya, hindi ko naiwasang bahagya syang lingunin sa abot ng aking makakaya.
Nakita ko naman ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Shet, ang gwapo nya!
"Are you okay?" he asked in a soft, worried voice.
"Ah… y-yes. Thank you." I felt my face heat up because of the tiny space between our faces. Yumuko ako para mag-iwas ng tingin saka umayos ng tayo. "Pasensya na, Sir." Sabay lakad ko papunta sa kabilang sulok ng elevator.