sa lahat ata ng busy, ako ang walang magawa... ayan tuloy, nag-diary entry hunting ako at nakita ko ang bagay na ito... hahahahahaha
-----------------------------------------------
Dear Diary,
Hindi na naman ako makatulog. Talagang ako'y ilang araw nang binabagabag ng kung anong bagay sa aking dibdib na hindi ko magawang maintindihan, dear diary.
Kasi naman eh! Kasi naman sya! Kasalanan nya ito! Walang hiya talaga ang isang yon! Kainis!
Halatang-halata naman sya eh. Inaakit nya ako, dear diary. Obvious! Kasi kung hindi, tama ba namang araw-araw syang rumampa sa harap ko nang naka-TOPLESS???!!! Oo, dear diary, ganung pang-aakit ang ginagawa nya. At aaminin ko… naaakit ako!!!
Kainis nga ehh! Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng kung ano sa tuwing nangyayari ang ganun. Minsan naiilang na 'ko sa kanya. Hindi ko na tuloy sya minsan magawang sigaw-sigawan. Paano ba naman, hinihigop nya ang lakas ko!
Whew! Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaibang init, naligo naman ako a?
Bumaba muna ako para magpahangin. Pero sa may pool side ako napadpad at…
Andun na naman sya. Nagsu-swimming na parang walang bukas. Ewan ko kung bakit pero natigilan ako't na-tempt na panoorin sya. Ang hot-hot nya kasi ehh, lalo na ngayong nagsuswimming sya. Pervert na ba 'ko, dear diary? Feeling ko marerape ko sya sa utak ko! Ay erase-erase! Hirap lang at uso ang kalandian, ayan nakikiuso tuloy ako!
Nakailang laps sya bago huminto. Napansin nya ata ako. Umahon sya sa pool at dahan-dahang naglakad papunta sa direksyon ko. Ang hot nya talaga dear diary, natulala ako sa kanyang yummy body, napalunok pa ata ako ng maraming laway, hindi ko na lang maalala.
Pero ang bilis ng kabog ng puso ko. Feeling ko ako yung nag-swimming at kinakapos ako sa hangin.
Para akong nagulat nang bigla nyang sabihin ang pangalan ko. Noon ko lang napansin na nakalapit na pala talaga sya sa'kin. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko kaya napayuko na lang ako. Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako. Saktong matapos nya akong iharap sa kanya ay bigla nya akong hinalikan.
Nagulat na lang ako sa kanyang kapusukan, dear diary. Lalo akong naubusan ng hangin kaya't kinailangan ko ang kanyang mouth to mouth resuscitation. Basang-basa sya dear diary, at para bang nalulunod ako sa tubig na pumapatak sa'kin mula sa basa nyang buhok. Lalo kong kinailangan ng hangin at sa pag-asang makakakuha ako ng hangin mula sa bibig nya ay hinayaan ko lang sya.
Dear diary, bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nahihirapan na 'kong pigilan ang sarili ko.
Dear diary, sagutin mo nga ako, dapat ko pa ba talagang pigilan ang nararamdaman ko?
O baka mas tamang magpasulot na lang ako since yun din naman ang gusto ng lahat?
Okay lang naman di ba, dear diary?
-Anya
PS. Kailangan ko bang maglagay ng apelido? Teka, anong gagamitin kong apelido? Yung akin ba o… yung kanya?
PS2. Pero kapag bumigay ako, paano na si Johnny?? Pakamatay na lang kaya ako???
PS3. Nabitin ako sa hangin mula sa kanya. Sana ay maulit ang gabing ito.