Noong nakasama ka, nagbagao ang buhay ko
Di ko kailanman pinangarap na magmahal ng perpekto
Langit sa lupa – putik sa bato – guapo sa di gaano (salamat sa agham at pangkaalamang konsepto)
Hangad ko lamang na ikaw’y mapasaakin at ako’y mapasaiyo
Suntok sa buwan ang mahalin mo ako at imposible ring mabighani ka sa isang katulad ko
Ito ba ang tinatawag na silalbo ng puso?
Na ang pantasya ko’y nagkatotoo at ang depinisyon ng lubos na kagalakan ay akin ng maitatamo, na ang tunay na pag-ibig ay parang ginto, isang kayamanan na maipagmamayabang
At ngayon natupad na ang hinihiling ko
O irog ko, bakit ako nagsusumamo?
- na kung pwede bang maging kaakibat mo ako sa landas ng paghango
- na kung pwede bang marapat na ialay mo sa akin ang wastong pagmamahal na gusto ko
- na kung pwede bang kasama mo ako saan man ang tungo mo
Dahil pagkatao ko ay nasa iyo na kung mawala ka’y kasingkahulugan rin ng pagpanaw ng kalahati ng puso ko
And nakaraan ay ayoko nang maibalik at ang mapait na nakalipas ay di ko nais na maulit dahil ikaw ang buhay ko at importante ang ngayon dahil sa iyo lamang umiikot ang mundo ko
Kagustuhan ko ang paglingkuran ka
-walang alinlangan
-walang kapalit
-walang takot, pangamba at inhibisyon
Lalake ka, lalake ako
Kabaro sa kabaro
Anong masama kung nagmamahalan tayo?
Mahal kita at ito ay totoo
Batid ko na marami ang may ayaw
Mundo kasi’y sobrang mapaglinlang at mapanukso
Kesa naman ilihim, itago, isikreto
Bagkus ipamalaki mo at makuntento
Ganyan ang pag ibig ko sa iyo
Puso ko’y walang sinsanto
Pagmamahal ko sa iyo’y di magbabag
At sa’yong sa’yo ang buong ako