AKO

11 1 0
                                    

Noong nakasama ka, nagbagao ang buhay ko

Di ko kailanman pinangarap na magmahal ng perpekto

Langit sa lupa – putik sa bato – guapo sa di gaano (salamat sa agham at pangkaalamang konsepto)

Hangad ko lamang na ikaw’y mapasaakin at ako’y mapasaiyo

Suntok sa buwan ang mahalin mo ako at imposible ring mabighani ka sa isang katulad ko

Ito ba ang tinatawag na silalbo ng puso?

Na ang pantasya ko’y nagkatotoo at ang depinisyon ng lubos na kagalakan ay akin ng maitatamo, na ang tunay na pag-ibig ay parang ginto, isang kayamanan na maipagmamayabang

At ngayon natupad na ang hinihiling ko

O irog ko, bakit ako nagsusumamo?

-          na kung pwede bang maging kaakibat mo ako sa landas ng paghango

-          na kung pwede bang marapat na ialay mo sa akin ang wastong pagmamahal na gusto ko

-          na kung pwede bang kasama mo ako saan man ang tungo mo

Dahil pagkatao ko ay nasa iyo na kung mawala ka’y kasingkahulugan rin ng pagpanaw ng kalahati ng puso ko

And nakaraan ay ayoko nang maibalik at ang mapait na nakalipas ay di ko nais na maulit dahil ikaw ang buhay ko at importante ang ngayon dahil sa iyo lamang umiikot ang mundo ko

Kagustuhan ko ang paglingkuran ka

            -walang alinlangan

                        -walang kapalit

                                    -walang takot, pangamba at inhibisyon

Lalake ka, lalake ako

Kabaro sa kabaro

Anong masama kung nagmamahalan tayo?

Mahal kita at ito ay totoo

Batid ko na marami ang may ayaw

Mundo kasi’y sobrang mapaglinlang at mapanukso

Kesa naman ilihim, itago, isikreto

Bagkus ipamalaki mo at makuntento

Ganyan ang pag ibig ko sa iyo

Puso ko’y walang sinsanto

Pagmamahal ko sa iyo’y di magbabag

At sa’yong sa’yo ang buong ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon