Inspirasyon
Hi Crush,
Naisulat ko ang tulang ito para sayo,
Kahit na sa isip ko, ako ay nalilito.
Mga salitang aking pilit na pinag-tu-tugma,
Para sayo ako'y magiging makata.
Hi Crush kumusta?
sana mapansin mo naman ang isang tulad ko,
nandito lang ako laging nakakatitig sayo
mula sa malayong distansya
nandito ako at pinagmamasdan ka.
huwag mo sanang isipin na ako ay masamang tao
minamasdan kita mula sa malayo,
sa kadahilanan na ako ay natatakot.
Natatakot na baka aking mabigkas
Ang sinisinigaw ng aking damdamin
Na pilit nagpupumiglas at gusting lumabas
Torpe ? oo torpe ako ,
Kaya wala akong lakas ng loob na sabihin sa iyo.
Heto ako,
Nakakatitig nanaman sayo.
Minamasdan ang ngiti ng iyong mga mata
Pati na din ang mga labi mong mala-rosas
Sa pula.
Sa iyong bawat pag ngiti ay sumasabay
ang aking kilig na may simpleng
pagtawa.
Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko
Para pumasok sa eskwela
Kahit walang baon at pamasahe lang ang dala
Dahil Makita lang kita araw-araw
Ako ay busog na.
Hi Crush,
Nung malaman ko na nagbreak kayo
Ng boypren mo,
Talagang natuwa ako.
Ngunit ng aking makita ang mga luhang
Pumapatak sa iyong mga mata.
Nakaramdam ako ng lungkot
Na para bang puso ko ay tinutusok at dinudurog.
Hindi ko kaya,
Hindi ko kayang makitang kang nasasaktan
Ganito pala yung pakiramdam pag nakita mong
Nasasaktan yung mahal mo.
Oo mahal kita crush,
Mahal kita simula pa nung una tayong magkita
Hindi ko maamin sayo
Pero ako yung taong laging nasa tabi mo
Ako yung taong palihim na nagseselos
Pag pinag-uusapan ung boypren mo
Ako yung taong patagong umiibig sayo.
Hindi ko maamin,
Hindi ko masabi,
Sa kadahilanan natatakot ako,
Natatakot ako na baka masira ang ating
Pagkakaibigan.
Mga pag sasamahan na aking ginamit
Upang mapalapit sayo.
Hi Crush
Sana mapansin mo na ko,
Sana masabi ko na ang nadarama ko,
Sana mabigyang pansin mo ang pag-ibig ko sayo,
Sana mapansin mo ang isang tulad ko,
Isang tulad ko na walang ibang hiling
Kundi ang ikaw ay makapiling.