Joy's POV
Tatlong araw na yung nakakaraan mula nung mag usap kami ni Melvin.
Wala naman akong narereceive na text nya or tawag. Alam kong alam nya yung number ko kasi binigay daw ni papa sa kanya.
Sinabi kong hindi ko alam kung mahal ko pa siya o hindi kasi naguguluhan ako. Ewan. Basta. Siguro dahil sa mga nalaman ko.
Pero ang totoo niyan, mahal ko pa siya. Mahal na mahal. Hindi ako tumigil sa pagmamahal sa kanya kahit na nasaktan ako ng sobra.
Tiningnan ko yung cellphone ko. Alas dos ng hapon. Ewan ko ba, sa araw na ito wala pa ako natatanggap na text. Dati rati naman madami akong narereceive. Lalo na yung galing sa mga batchmates ko.
Hay. Siguro nag lielow lang talaga sila. Pero..
Teka.
Baka naman nagloko na naman yung sim ko? Tsk.
Kinuha ko ulit yung celphone ko.
Tinanggal yung battery, sim at ibinalik ulit. In-on ko yung cellphone.
Maya maya.
*tootoot tootoot*
*tootoot tootoot*
*tootoot tootoot*
sunod sunod na yung mga text na nareceive ko. Inopen ko yung inbox.
Galing lahat sa isang unknown number. Binasa ko lahat.
From: 0927*******
joy, si melvin to. Babalik na ako sa Canada. Kung mahal mo pa ako, magkita tayo sa airport ng alas dos. Kapag wala kpa ng alas tres, sasakay na ako sa eroplano.
From: 0927*******
Magreply ka naman para alam ko kung may mahihintay pa ako :(
From: 0927*******
Siguro nga di mo na ako mahal. Wala ka pa rin. Haay. Mahal na mahal kita Joy =(
Waaahhhhh! Nagloko talaga sim ko kanina! Takteng TM yan? Anong oras na ba?
2:20 na?!!!
40 minutes na lang aalis na siya.
OMG! Lumabas ako ng kuwarto.
Hinanap ko yung driver namin. Hanap dito, hanap doon. Wala.
Ano ba yan! Kung kelan kelangan! Tsk. Di bale ako nlang magddrive.
2:30 na. 15 minute drive pa ang airport mula sa bahay.
15mins.
10mins.
5mins.
1min.
Ayan nandito nako sa airport. Daming tao. Diko din alam kung nasan si Melvin.
Kinuha ko yung cellphone ko.
Dinial ko yung number niya.
Calling 0927*******:
*kring*
*kring*
*kring*
*kring*
*kring*
Di sinasagot. Haayyy! Kaasar! Dinial ko ulit. Ganun pa rin. Walang sagot.
Tinignan ko yung orasan, 2:53 na. Naiiyak na ako. Ilang minuto na lang.
Susubukan kong kausapin yung guard bka sakaling papasukin ako.
Naglalakad na ako papuntang entrance ng airport nang may humawak sa balikat ko.
"Wag mo na subukang pumasok. Hindi ka nila papasukin dyan."
Biglang lumundag yung puso ko. Kilala ko yun! Kilalang kilala ko!
Tumingin ako sa likod ko at hindi ako nagkamali.
Nandun si Melvin sa likod ko. Abot tenga ang ngiti.
---
Fin
BINABASA MO ANG
I'm A Little Too Late (Short story)
RomanceMahirap maiwan dahil may mahal na siyang iba. Pero mas mahirap yung alam mong mahal ka niya, pero mas pinili niya ang iwan ka.