20. My Wife

5.6K 162 1
                                    

Breanna Mariel

I MASSage the back part of my neck, feeling ko ay nanakit ang katawan ko sa maghapon naming pagkakaupo sa loob ng conference hall. I must admit maraming akong natutunan sa unang araw palang, they have a good speaker na hindi nakakaantok pakinggan. I learn new things na pwedeng makatulong sa paglago ng Santillan Realty.

I dialled Mama's number, gusto ko lang sila kamustahin.

" Hello Bree, kamusta ka d'yan?" medyo mahina ang reception ni Mama.

" Ma, pakilakasan ang boses ninyo, hindi ko po kayo masyadong marinig." nagloloko siguro ang network.

" Anak, ang sabi ko kamusta ka d'yan? Ayos lang naman kami, wag mo kaming alalahanin." mukhang nagkakasiyahan nga sila sa bahay.

" Ayos lang din po ako Ma, nasa loob ako ng kwarto ko dito sa Hotel, nagpapahinga lang saglit bago magdinner." narinig kong tinawag nito si Miggy.

" Mommy, I love you. Ingat ka po d'yan." mukhang masigla ang anak ko at kinausap na niya ako.

" Bree anak..," si Mama na ulit.
" Piliin mo kung ano ang makakabuti sa inyo ni Miggy at kung ano ang makakapagpasaya sa inyong mag ina. Mag iingat ka d'yan. " nalilito ako sa mga sinabi ni Mommy.

Nagpa room service nalang ako ng pagkain. Wala ako sa mood bumaba pa sa restaurant ng hotel. Nanonood nalang ako ng tv habang naghihintay na dumating ang pagkaing inorder ko.

Nagulat ako ng tumunog ang telepono. I pick it up..

" Bree, it's Jasmin, join us later, Birthday ng boyfriend ko, sa Vesper tayo. Matagal ka na naming hindi nakakasama and I won't take no for an answer." saka ito nawala sa linya. Marahil ipinagtanong nito sa reception ang room number ko kaya niya ako nacontact.

Kaklase ko si Jasmin sa college, maging sina Aira, Kath at Russel. Nagulat nalang ako nang magkita kita kami sa lobby ng Hotel kaninang pag check in ko, nandito sila para sa birthday ni Santino, boyfriend ni Jasmin since college.

Ten in the morning pa naman ang start namin bukas sa conference kaya okay lang kahit mapuyat ako. Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at nag ayos, matagal ko din naman silang hindi nakasama kaya hindi na masama kung pagbibigyan ko sila tonight.

" Hey Bree, mabuti naman at pumunta ka, magtatampo na talaga kami kapag inidian mo pa kami." si Aira ang sumalubong sa'kin. Hinila niya ako papunta sa table kung saan naroon ang iba.

" Nandito na pala ang kaibigan nating busy sa pagpapayaman." tumayo si Russel at sinalubong ako ng yakap.

" Uy hindi naman! Malaki lang talaga ang iniwang responsibility ni Dad sa'kin. " sunod na lumapit sakin si Jasmin. " Happy Birthday Santino, kelan ba kayo magpapakasal na dalawa ha." ang tagal narin nila.

" It's Santi, Breanna Mariel. Don't worry next month na ang kasal namin kaya make sure na darating ka." napatakip ako sa bibig ko.

" Really? Wow! Congrats guy's. Oo naman, l wouldn't miss it for the world." nakangiting sagot ko kay Santi.

" Ikaw Bree? Wala ka bang planong balikan ang tatay ng anak mo?" si Aira.

They know about my son. I invited them noong first birthday at binyag ni Miggy. Sino pa ba ang kukunin kong Ninong at Ninang kundi silang mga kaibigan ko.

" Balikan? Kasal na iyong tao sa iba, guguluhin ko pa ba? Hayaan na natin siya." hindi niya nga kaming hinanap.

" Tama na yan guy's, let 's enjoy the night. " saka ako inabutan ni Russel ng inumin.

" Rus, you know I don't drink." tanggi niya sa kaibigan.

" Sus, hindi ka mumultuhin ni Tito Manuel kung iinom ka." sabagay minsan lang naman. I know Dad will understand kung nasan man siya.

Kismet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon