Pahina 27

3K 95 5
                                    

Pahina 27

"Ayos lang! Ako nang bahala."

"Pasensya na talaga, Maiko."

"Sus! Wala namang bago tsaka dito lang naman ako sa bahay. Walang problema. Sige na!"

Nilapitan muna ni Dave ang anak na si Daren na mabait namang nananahimik sa pagkakaupo nya while holding his dinosaurs.

"Anak, behave ha! Uuwi ako agad after ng meeting ko."

"Ok po dada!"

He kissed his sons forehead bago bumeso sa akin. Sa totoo lang, bilib na bilib ako dito kay Dave. To think na kahit na anong kondisyon ni Coreen ay nandito pa rin sya. Di pinapabayaan ang anak nila at patuloy na naghihintay sa kapatid ko.

Five years. My sister have been suffering for five years pero kahit na anong mangyari ay di kami nawawalan ng pag-asa na gagaling sya. At ito na nga! Dahil ngayon ay gumagaling na talaga sya. Konti nalang! Konting konti nalang at makakasama na nya ang pamilya nya.

Limang taon na rin simula ng magtapos kami sa pagaaral. I know that i've said na hinding hindi ko ipupurse ang pagiging medical technologist pero after what happen kay Coreen ay desidido ako na ipagpatuloy ito. Hindi man direct sa pagaalaga sa kondisyon nya pero at least, nakalinya parin sa medicine.

"Tita Koko! Nagdadrawing ka nanaman po ng house?"

"Yup! Alam mo namang hilig ko 'to diba?"

Napansin kong parang gusto rin ni Daren magdrawing kaya binigyan ko sya ng isang papel at marker. Ang cute cute nya habang nagdadrawing ng parang airplane yata habang pabulong na kumakanta pa.

"Dapat po nagwork ka nalang sa houses tita Koko!"

"Eh kasi nga diba gusto ni Lolo mo na mag medtech si tita? Masunurin kasi ako!" Pinisil pisil ko ang ilong nya dahilan para magsimula syang humagikgik.

Ginagawa ko laging biro kahit na totoo namang hindi pagiging medtech ang pinangarap ko. But honestly wala naman ng problema. Hindi ko nga nagawang gawin ang totoong gusto ko pero masaya naman ako ngayon.

But i can never lie to myself. Masaya ako na busy ako madalas sa trabaho, pamilya, pati sa mga kaibigan. Nalilibang ko ang sarili ko pero hanggang ngayon ay may kulang pa rin. Mabuti at nakatulong si Daren sa akin. Aliw na aliw ako sakanya. Lahat ng malulungkot na bagay na naaalala ko kapag magisa ako ay napapawi kapag kasama ko na sya. Napaka bibong bata ng unico hijo ni Dave at Coreen.

And because of Daren, naranasan ko ang pakiramdam ng magkaroon ng anak. Yung hindi mo maiwan. Yung kahit na gaano ka ka-busy. Kapag tinawag ka nya ay agad agad kang darating. Yung kapag umiiyak sya, yakap mo lang ang katapat para tumahan sya. Oh how i wish to have my own child soon. Ewan ko ba? I was always fascinated with the idea na maging nanay na.

* * *

Ngayon ang balik ni Coreen. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako ngayon o mamaya nalang kapag nagkita na kami. Pero naiiyak na talaga ako ngayon. Kung iisipin ay nakakaawa si Coreen sa mga panahon na napaka delikado ng pagbubuntis nya. Noong halos lahat kami ay pigil hiningang nakaabang kung kinaya nya ba.

Ni hindi nya nasubaybayan ang paglaki ng anak nya. Phone calls, video calls, yun lang ang naging paraan para makausap nya ang mag ama nya. It must have been so hard and lonely for her. Wala kami sa tabi nya noong panahon na kailangan nyang lumayo para magpagamot. Pero lahat naman ng sakripisyo ay may kapalit. At ito na yun! Finally! Uuwi na sya! Hindi pa huli ang lahat. And i believe na magsisimula palang ang pinaka magandang pahina ng buhay nya.

"Hey Mr. Daren Cody Cojuangco! Wow! Ang gwapo naman talaga oh!" Agad na tumakbo si Daren papalapit sa akin at yumakap.

"Tita Koko! I'm so excited! Do i really look gwapo?"

US3: Her RetreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon