TIGIL NA

9 1 0
                                    


Tigil na,

tigil na, kasi tapos na,

tumigil ka na kasi wala na sya,

itigil mo na kasi wala ng patutunguhan pa,

tigil na kasi mukha ka ng tanga,

tigil na kasi di ka na mahalaga sa kanya,

tigil na kasi may mahal na syang iba,

tigil na kasi nasasaktan ka na.

Itigil mo na habang kaya mo pa,

itigil mo na habang maaga pa,

itigil mo na ang kakaisip sa kanya,

itigil na ang pagmamahal na meron ka para sa kanya,

dahil ikaw lang din yung masasaktan pag hindi mo pa itinigil ang kahibangang meron ka.

Oo, mahal mo sya at minahal ka nya,

pero naman, wag ka ng magpapakatanga pa,

alam mo naman kung sino ang pinili nya diba?

mas pinili nya yung isa, kesa sa piliin ka.

Itigil mo na ang kakaisip na babalik pa sya,

tigil mo na ang kakaisip na kakausapin ka pa nya,

dahil noong oras na mas pinili nya yung isa,

ay hudyat na, na tapos na ang kung ano

mang meron sa inyong dalawa.

Masakit mang isipin,

pero kailangan tanggapin,

dahil ang mga nangyari,

ay para sa ikakabuti mo rin.

Kaya itigil mo na,

dahil wala nang sya,

sya na naging parte ng buhay mo,

sya na nagbibigay kulay sa mundo ko,

at sya na nagpapasaya ng araw mo,

dahil ang dating sya na nakilala mo,

ay masaya na sa piling ng ibang tao.



-- Unknown_Ugly --

POEMS COMPILATIONWhere stories live. Discover now