Darating yung Araw

1 0 0
                                    

Darating din yung araw na
'di na magtatanong
kung bakit biglang nagbago
kung bakit nagka ganito.

Darating din yung araw na
'di na nagmumukmok sa kwarto
kakaisip kung bakit biglang naglaho
kung bakit bigla kang sumuko.

Darating din yung araw na
'di na iisipin yung mga tanong
na walang sagot, yung mga tanong
na ni minsa'y di mo sinagot.

Darating din yung araw na
'di na malulungkot sa
nangyareng pag-alis at
kung bakit kailangang lumisan.

Darating din yung araw na
mawawala yung lungkot,
mawawala yung mga tanong,
mawawala yung mga sakit at
mamumutawi sa mga labi yung saya.

At kung dumating man
yung araw na yun,
hangad ko lang ang iyong kaligayahan
Kahit di na ako maging parte ng mga 'yan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMS COMPILATIONWhere stories live. Discover now