NATAGPUAN na lamang ni Eunice ang sariling naglalakad sa kalsada ng subdivision nila maya maya. Ang pakay niya ay ang convenience store sa loob din naman ng subdivision na iyon para bumili ng soft drinks. Nagkulang kasi ang nabili ng ina at nasa eskuwelahan pa ang kapatid niya kaya naman siya ang naatasang bumili niyon.
"Eunice!"
Awtomatikong napalingon si Eunice nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Humantong ang tingin niya kay Ethan na patakbong lumalapit papunta sa kanya.
"O bakit ka sumunod?" tanong niya rito nang makalapit ito ng tuluyan.
"Baka kasi hindi mo kayang buhatin 'yong soft drinks kaya sasamahan na kita." Nakangiting sabi nito.
Muli na namang nag-init ang puso niya. He was even thoughtful. Kung tutuusin ay hindi lang naman ito ang lalaki sa mga bisita niya na nakarinig sa ina niya nang utusan siya nitong bumili ngunit ito lamang ang nagkusang samahan siya.
"Kaya 'ko naman na iyon. Sana kumain ka na lang sa bahay." Sabi niya rito. Alam niyang hindi pa ito nakakakain ng matino dahil kararating-rating lang halos nito at ni Alice. Gusto man niyang makasama ito at makausap pa, nahihiya din naman siya rito.
"Busog naman na ako."
"Naku magtatampo si Nanay kapag narinig 'yan. Kaunti pa nga lang ang nakakain mo tapos busog ka na? Sanay pa naman 'yon na kapag luto niya ang nakahain, ubos." Nakangiting biro niya rito. Ngunit bahagya ding totoo iyon. Her mother was a great cook. Kaya nga kahit marunong na siyang magluto ay ito pa rin ang nakatoka sa kusina. Kapag kasi siya ang nagluluto, kahit matino naman ang lasa ay nalalait pa din ng tatay at kapatid niya dahil hindi iyon pumapantay sa sarap ng luto ng nanay niya.
"Ganoon ba? Sige, kakain na lang ulit ako pagkabalik natin." Natawa siya sa tinuran nito. "Besides, masarap naman talaga ang luto ng nanay mo."
"Oo, kaya mahal na mahal 'yon ni tatay eh." Sagot niya saka nagsimulang maglakad papunta sa convenient store. Umagapay naman ito s paglalakad niya.
"Parang ang saya saya ng pamilya niyo." Komento nito.
"Oo naman. Madalas magulo at maingay pero sabi nga ng tatay ko, masaya lang kasi kami kaya ganoon."
"May kapatid ka 'di ba?"
"Oo, 'yong kolokoy na si Ericson. Ubod ng kulit ng taong 'yon."
"May pinagmanahan lang naman." Nilingon niya ito at napansin niyang nakatingin ito sa kanya habang nakangisi.
"Hoy, anong ibig mong sabihin? Hindi ako makulit 'no!" tanggi niya.
"Makulit ka, mas makulit lang siguro siya."
"Good enough. Basta mas makulit siya."
Natawa naman ito. Napatunganga na naman tuloy siya rito. Ganoon na yata ang epekto ng mga tawa nito sa kanya. Saglit na nagsu-slow motion ang mundo niya.
"I always thought having a sibling would be fun." Maya maya ay sabi nito.
"Masaya pero nakakaloka din minsan lalo na kung kasing kulit ng kapatid ko ang magiging kapatid mo."naglakad siyang muli nang mahimasmasan sa saglit na pagtunganga dito. "Only child ka ba?"
"Oo." Sagot nito. "My Mom does not cook. Lumaki siya sa mayamang pamilya kaya hindi siya natutong magluto kahit noong kasal na sila ni Dad o noong ipanganak ako. Ang Dad ko naman abala lagi sa trabaho. Aalis iyon tulog pa ko at uuwi naman nang tulog na din ako. Kaya pinangarap kong magkaroon ng kapatid noon, para lang hindi puro kasambahay ang makakausap ko sa bahay."
BINABASA MO ANG
Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)
RomanceMatalino, mabait at malaanghel ang mukha. That was how people described Ethan Alexis Monteverde, ang dakilang IT Support Specialist ng kompanyang pinapasukan ni Eunice. Humanga na siya sa lalaki unang kita pa lang niya rito. Pagkatapos ng unang pag...