HINDI mapalis-palis ang ngiti ni Eunice kahit hanggang nasa sasakyan na lamang sila ni Ethan at inihahatid siyang pauwi. Pagkatapos nilang magkaintindihan ng pagkatali-talino niyang puso ay hindi na niya mapigilan ang sayang nararamdaman. Tanggap na ng buong pagkatao niya na mahal niya ito and she was happy. She has every reason to be. Gwapo, talented at mabuting tao ito, ano pa ba ang hihilingin niya para sa isang taong dapat mahalin.
Nang makarating sila sa tapat ng bahay niya ay ipinagbukas pa siya nito ng pinto. Sa bawat gesture nitong ganoon ay lalong tumataba ang puso niya. Ganoon pala kapag nagmamahal, kahit mga simpleng bagay na gawin nito ay malaking bagay na para pasayahin ang puso niya.
"Hey, are you okay? Hindi ka ba nilasing ng mga kolokoy na iyon?" tukoy nito sa mga kaibigan nito.
After a few songs from their band, nagdinner na sila ng mga ito at kalaunan ay nauwi sa inuman bagaman tumanggi naman si Ethan na uminom dahil ihahatid pa raw siya nito. Umani pa nga ito ng sandamak na pang-aasar mula sa mga kaibigan nito dahil doon. Masyado daw itong nagiging mabuting tao sa harap niya.
Siya man din ay hindi naman uminom dahil hindi naman talaga siya palainom. Hanggang juice lang naman ang ininom niya kaya malabo ang sinasabi nitong nilasing siya ng mga kaibigan nito. And remembering his friends, parang gusto niyang matawa muli. The guys were cool and all good looking but they were crazy and noisy like kids.
"I'm fine. Puro juice lang naman ang ininom ko, paano akong malalasing?" nakangiting sagot niya rito.
"Malay natin, pasimpleng nilalagyan nina Apollo ng alak ang baso mo kanina kapag nalilingat ka. They could be really scheming sometimes."
"I don't think they did that. I'm not feeling dizzy or anything so I think I don't have even a drop of alcohol inside me, don't worry" pag-a-assure niya rito. Gayunpaman ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng dibdib sa kaalamang nag-aalala ito sa kanya.
"Kung ganoon bakit kanina ka pa nakangiti?" napansin pala nito iyon. Ngunit imbis na mailang ay ngumiti na lamang siyang muli rito.
"Wala lang. Masaya lang. By the way, pwede ko bang mahingi ang contact number ni Josh?" tanong niya rito.
"What for?" kumunot ang noo nito. Mukhang hindi ito natuwa sa sinabi niya.
"Gusto ko siyang ilibre ng dinner minsan. I feel like I need to express my deep gratitude towards him."
"Gratitude for?" lalong lumalim ang kunot sa noo nito. PArang gusto niyang isiping nagseselos ito ngunit baka ma-disappoint lamang siya kung ngayon pa lang ay aasa na siyang gusto rin siya nito. She did realize to herself that she loves this guy but that does not mean that this guy feels the same towards her.
"Kung hindi kasi dahil sa kanya, hindi kita mapapanood kumanta. I could have missed half of my life if I didn't hear you sing." Iyon ang isa pang epekto ng pagkaka-realize niya ng totoong nararamdaman niya para rito, kumapal bigla ang mukha niya. Hindi kaya tama ang sinabi nitong nilasing siya ng mga kaibigan nito?
Unti unti namang nawala ang kunot ng noo nito kasabay ng unti unti ring pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.
"You're exaggerating." Iiling-iling na sabi nito bagaman nakangiti pa rin.
"Oy hindi ah! Ang galing mo kayang kumanta. Bakit hindi ka na lang mag-singer? Mas yayaman ka ---" natigil ang sinasabi niya nang lumapat ang palad nito sa buhok niya saka kinusot iyon.
"Silly." Ang sabi nito. "You don't have to thank Josh. Ako naman ang kumanta at hindi siya."
"S-sabi ko nga eh." Iyon na lamang ang naisagot niya rito.
"Pumasok ka na." sabi nito bago binawi ang kamay mula sa ulo niya.
"O-okay. Thank you pala sa dinner." Kiming sabi niya rito.
"I feel like apologizing for it actually. Imbes na nakapag-dinner tayo ng matino, may mga magugulo pa tayong kasama." Napakamot ito sa batok nito na parang nai-guilty pa sa kanya.
"No, really. I enjoyed the night. Nakakatuwa din ang kakulitan ng mga kaibigan mo."
"It's a relief you feel that way. I'll make it up to you next time."
Lalong gumanda ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Knowing that he was willing to go out with her again makes her heart grew warm once again.
"Get in. It's late." sabi nito maya maya.
"I will. Ingat sa byahe ah? Thanks again and good night." Nakangiting paalam niya na rito
"Good night." Nakangiting sabi nito at naglakad nang palayo. Nabuksan na nito ang pinto ng sasakyan nito ngunit hindi ito tuluyang pumasok sa halip ay muli itong tumuwid ng tayo at tinignan siya. "By the way, you don't have to go to Josh's bar to hear me sing. I could always sing for you if you want me to."
BINABASA MO ANG
Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)
RomanceMatalino, mabait at malaanghel ang mukha. That was how people described Ethan Alexis Monteverde, ang dakilang IT Support Specialist ng kompanyang pinapasukan ni Eunice. Humanga na siya sa lalaki unang kita pa lang niya rito. Pagkatapos ng unang pag...