Lapis At Papel [1]

73 2 0
                                    

Bakit Ikaw pa?
By: Heinejin101

Bakit ba ako nagpapakatanga?
Sa taong sa aki'y hindi naman talaga?
Batid kong marami pang iba.
Pero bakit ikaw pa?

Tanging tanong sa sarili,
Ako ba'y may nagawang mali?
Ikaw nama'y aking iniintindi,
Marami bang mali sa aking sarili?

Sayo nama'y hindi nagkulang.
Tanging ginawa ay mahalin ka lamang,
Ngunit hindi pa ba sapat?
Ako ba'y hindi karapat dapat?

Pangakong ako'y hindi iiwan,
Na ang ating pagsasama'y pangmatagalan.
Sabay na tatahakin ang hangganan,
Ang sumpang walang iwanan.

Dumating ang araw na hindi inaasahan,
Iyong nilabas ang tunay na nararamdaman.
Ang pangakong ako'y hindi iiwan.
Ay puro lamang pala kalokohan.

Umasa ako sa Iyong pangako,
Kahit batid kong ito'y mapapako.
Ganito na ba ako katangang tao?
Para umasa pa sa isang tulad mo?

Nais kong tapusin ang tulang ito.
Ang tula na laan lamang sa Iyo.
Nais ko mang mabasa mo ito,
Ngunit batid ko namang ika'y hindi interesado.

Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang napili ng pusong umaasa?
Batid ko namang wala nang pag-asa sa'ting dalawa,
Bakit sayo pag nagpapakatanga?

Salamat sa Iyo,
Nang dahil sayo natuto ako,
Na huwag basta magpapaniwala sa isang katulad mo,
Sa tulad mong manloloko.

Sana'y mag-iingat ka.
Sana'y huwag mo nang gawin sa iba.
At sana sa muli nating pag kikita,
Ay wala nang sakit na maramdaman pa.

[02-15-2018]

Lapis At Papel: Ang Aking Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon