Lapis At Papel [2]

30 2 0
                                    

Ako lang ba?
By: Heinejin101

Ako lang ba sa'ting dalawa?
Ako lang ba ang nakakaisip sayo sinta?
Ako lang ba ang nakakaalala?
Ako lang ba sa'ting dalawa?

Lumipas na ang mga taon.
Ngunit ang puso pari'y sayo nakatuon.
Ako na nga lang ba ang nagpapahalaga?
Sa pinagsamahan nating dalawa?

Laging naiisip sa gabi.
Alaala pari'y nananatili.
Ikaw parin ang minimithi,
Ng puso kong sawi.

Minsan ika'y aking nakita,
Kapiling mo'y iba na.
Kusang tumulo masaganang luha.
Ako na nga lang ba talaga?

Isa lang naman ang aking hiling,
Yun ay muli kang magbalik sa'king piling.
Ika'y aking hihintayin parin sinta.
Ako'y muling aasa.

[02-18-2018]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lapis At Papel: Ang Aking Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon