Love knows no Bounderies

27 1 0
                                    

"Sana sinabi ko sa kanya noon at sana kung naipaglaban ko siya"-Kitkat

*****************************

Kitkat's POV

Bagong lipat kami ngayon sa isang village. Actually, mahirap na kami ngayon :( . Nabankrupt kasi ang company ni Daddy at sa sobrang depressed niya, nagkaheart-attack siya. Ngayon, si mommy nagtitinda na sa palengke at si daddy nasa bahay, palagi na lang nakahiga..

"anak, sorry..sa public school ka lang namin kaya pag-aralin"sabi ni dadd

"okay lang po yun dad, alam kong makaka-ahon pa rin tayo"sabi ko

At yun nga, dito na ako nag-aaral sa Public High School sa Cebu. Lumipat kami dito dahil wala kaming kilalang kamag-anak doon dahil dito lang sa Cebu ang mayroon kaming kamag-anak...

Mahirap mag-commute lalo na't di ko maiintindihan ang lenggwahe nila...

"Sa Public High School po"sabi ko sa driver

Dito sa Cebu, pinu-puno talaga nila ang tricycle. Kahit masikip, okay lang at mas mura ang pamasahe nila, mga 8-10 pesos.

"Abot na ta, day"sabi nung driver

Hindi ko siya maintindihan kaya tumingin ako sa paligid...

Nandito na pala ako...

"Bayad ho, salamat"sabi ko

Dumiretso na ako sa paaralan. Maliit lang ang eskwelahang ito.

Nakita ko agad ang classroom namin. Umupo ako sa pinakahuli at nagmamasid.

"Hi! Unsay imong ngalan?"sabi nung babae

Na naman! >.< di ko talaga maintindihan, ang alam ko lang sa salita niya ay 'hi' at 'ngalan' o pangalan.

"Ako si Kitkat"sabi ko

"Ka-cute sa imong name"sabi niya

"hehe..salamat"sabi ko

Medyo di naman pala mahirap dahil meron silang salita na meron din sa tagalog

"pwede ko mutapad?"sabi nung lalaki..ang cute niya

Pero di ko siya maintindihan!!!

"Ano? Sorry, di ako bisaya"sabi ko

"ahh..pwede ba akong tumabi sa 'yo?"sabi niya

"oo naman"sabi ko

"ako nga pala si Joshua"sabi niya

"Kitkat.."sabi ko

"sorry, wala ako nun.."sabi niya habang nagkakamot ng batok

"hahahahaah...ang ibig kong sabihin, ako si Kitkat ^___^"sabi ko

"heheh..."sabi niya

"taga-manila ka ba?"sabi ko

"hindi..marunong lang ako managalog"sabi niya

Lumipas ang mga araw at naging magkaibigan kami...

Natapos ko na ang highschool at nahuli na ng mga pulis kung sino ang nagnakaw ng pondo sa company ni daddy at babalik na kami sa Manila...

"Kat!May sasabihin ako sa 'yo."sabi niya

"Ano?"

Parang kinakabahan siya na ewan..

"Kami na ni Janine!!"sabi niya habang nakangiti pero parang may mali...

Cliché man pero, mahal ko si Joshua. Tinanggap niya ako kahit mahirap ako. Siya pa nga ang tumulong sa akin kung pano kikita ng pera. Hindi siya nakipag-kaibigan sa akin dahil lang sa mayaman ako dati, sa totoo nga lang, hindi ko sinabi sa kanya na mayaman ako dati.

REGRETS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon