I covered my ears to atleast lessen the noise of the people around me. I tried to endure it, pero nakakainis lang! Mas lalo pa silang umingay. God, nanadya ba sila?
"Raiah!" I almost jumped when someone collided on me. Pero naka-recover din ako nang ma-realize ko kung sino 'yon. Jeez! Akala ko nahuli na 'ko ng mga so-called-psycho na 'yon!
"Lie naman! Akala ko may psycho na!" Iritadong sigaw ko sa kanya. But she did that weird expression again. Yeah, weird, just like her name.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya. I just ignored her. Kinuha ko ang bag ko at nilisan na lang ang study area. Alam niyang hindi ko sasagutin sa paulit-ulit niyang tanong na 'yon. At alam ko ring susunod siya sa'kin kaya 'di ko na siya nilingon.
"Raiah, para namang 'di Intramurals sa'yo! Nandoon ka lang sa study area! 'Yong mga booth nasa gymnasium, wala do'n. Tingnan mo 'ko, sampung beses na 'kong nahuli sa blind date. 10, Raiah! Sampu 'yon." Sabi niya habang kinikilig pa.
"Oh, really? Sa sampu, may nakilala ka na ba?" I sarcastically asked.
"Wala. Pero ikaw, kailangan mo 'yon. Malay mo, do'n mo makilala si forever mo. Yiiee!" Forever? Nonsense.
Nagulat ako nang biglang may nag-takip ng mga mata ko. May humawak din sa dalawang braso ko.
"What the--bitawan niyo nga ako!" Sinubukan kong mag-pumiglas pero daig ko pa ang naka-kadena dahil sa higpit ng hawak niya.
"Lie, tulungan mo naman ako, oh!" I begged kahit na hindi ko alam kung nandyan pa ba siya o tinakbuhan na 'ko.
"Sorry, Raiah. Hehehe." Ang tanging response niya. No doubt, siya ang nag-request nito. Nakakainis talaga.
Ilang beses na akong umirap at gustong-gusto kong sipain ang may hawak sa'kin. But I know I won't be able to do that. Ramdam ko ang lakas at diin ng hawak niya sa'kin. Ramdam ko ring mas matangkad siya sa'kin at may tumatawag sa kanya na 'kuya.' He's a guy.
Napaisip tuloy ako. Bakit ba mas malakas ang mga lalaki sa babae?
Nag-simula nang lumakad ang may hawak sa'kin kaya nag-patianod na lang ako.
Alam kong 'di ko 'to madadaan sa piglasan. Kaya siguro, perahan na lang. Ayaw kong madala sa mga booth na punong-puno ng kalokohan ng school na 'to.
"Uh. Kuya, babayaran na lang kita, okay? Basta pakawalan mo na 'ko." 'Di ko alam kung papayag 'to pero atleast, sinubukan ko.
"Walang bayad-bayad dito, Miss. Request ka kaya malaki ang kita namin sa'yo." Oh, jeez! Parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. It sounds like, binubugaw niya ako. Ugh, Raiah!
"Hoy, Ty! Dalhin mo 'to sa blind date. 'Wag mong pakawalan 'yan, request 'yan." What the hell?! Blind date? Jeez! Mas gusto ko nang kumain ng pancake na may paminta at durugin ang bugok na itlog gamit ang isang kamay, kaysa makipag-landian sa blind date.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkakaluwag ng hawak niya kaya sinubukan kong tumakbo kahit na naka-piring ako. Pero mukhang nahuli agad ako noong 'Ty.'
Oh, yeah. Napaka-suwerte ko talaga.
Halos kaladkarin na 'ko noong may bagong hawak sa'kin.
Maliliit na hakbang ang ginagawa ko dahil sa piring na naka-lagay sa mata ko. At halos matalisod ako nang dumaan kami sa naka-angat na parte ng pavement. Ugh! Ang sarap talagang kutusan ng mga 'to!
Naaninag ko ang liwanag pero agad ding nawala 'yon dahil nakapasok na kami sa mismong booth. Alam ko 'yon dahil ingay at mahihinang tugtog na naririnig ko.
Ilang lakad pa at huminto na kami. Puwersahan akong pinaupo sa isang matigas na upuan kaya halos mapahiyaw ako. Hindi ko na alam kung pang-ilang strike na nila 'yon, hah! Kanina pa talaga!
BINABASA MO ANG
Blind Date
Short StoryDenied affinities, unspoken words, and hidden feelings. Raiah's point of view has started.