three

38 2 0
                                    

"Raiah!" I almost freaked out when someone shouted at my ear. Nakarinig ako ng isang hagalpak mula sa gilid ko. Mataray kong hinarap si Lie.

"Lie, what the hell? Ang gulo mo, palibhasa, wala lang exam na sasalangan." Isinarado ko ang librong hawak ko at kinipkip 'yon.

"Okay ka lang ba?" Tanong na naman niya. As usual, hindi ko siya sinagot. Tumayo ako at tinalikuran siya. Iniwan ko siya at ang study area at pumunta sa main building. Halos open area ang campus namin kaya mainit at balot ng araw ang paligid. Dadaan na lang ako sa hallway ng main building para hindi mabilad.

Nilingon ko si Lie pero wala siya. Hindi siya sumunod. That's new.

Dumako ang paningin ko sa mismong spot kung saan ko nakita sina... jeez! Nababaliw ka na nga, Raiah!

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nag-takip ng mata ko at hinawakan ang braso ko.

"'Wag munang subukang tumakas. 'Di ka na makakawala." Mayabang na litanya ng may gawa sa'kin nito.

"'Wag kang mag-alala, 'di ako tatakas. Just take your time. Sulitin niyo ang kung ano mang kalokohan niyong 'to." Kalmado kong sabi. Kahit na gusto ko nang mag-wala at sipain ang may hawak sa'kin.

Really?! What the hell? Tapos na ang Intramurals pero may mga psycho pa rin? Ano 'to, may Intrams fever pa? 'Di sila maka-move on?

Mabuti na lang at hindi ako kinakaladkad nitong loko-lokong 'to. He's holding me gently.

Pero halos masubsob ako nang may pataas na pavement kaming nadaanan. But instead of complaining, I didn't react.

Realization came in. That this scenario is so familiar. Mula sa muntikang pagkakadapa ko, ang liwanag na naaninag ko na agad ding nawala habang papasok kami sa booth.

Nakapasok kami sa isang silid na hindi ko alam kung saan. Mas lalong lumakas ang kutob ko nang may narinig akong nag-stra-strum ng Tadhana ng Up Dharma Down sa gitara. Kalat din ang amoy ng vanilla.

Nagwala bigla ang nasa loob ng dibdib ko. Nararamdaman ko ang pamamanhid at pagiinit ng loob ng dibdib ko dahil sa abnormal na heartbeat.

Binitawan na 'ko no'ng lalaking may hawak sa'kin kanina. Hindi ko alam kung nasaan na siya at iniwan na lang niya 'ko sa kung saan.

Nakarinig ako ng isang tikhim. Kirot ng puso ang naramdaman ko dahil sa kaba.

"Raiah, I'm sorry for wasting your time but this is where I'll pour everything out. So please, listen.

"Raiah, I took an awful lot of courage para sabihin sa'yo 'to." Biglang natigilan 'yong kung sino man 'tong nagsasalita.

"Shit, ang corny ko." I heard him laughed. I laughed silently, too. Pero hindi dahil sa masaya o kinikilig ako. 'Yon bang matatawa ka na lang sa kaba at lito.

"Natatandaan mo pa ba noong incoming Grade 7 tayo tapos entrance examination para sa special class?" I can almost hear him smiling while asking that.

Nakangiti, nalilito. Wala sa sarili akong tumango.

"Kasama mo noon 'yong kaibigan mo sa study area. Nang makita kita noon, nakakabakla mang sabihin pero alam kong ikaw na.

Sobrang saya ko nang malaman kong sa iisang room lang tayo. Ni hindi ko na yata nasagutan 'yong exam ko ng maayos dahil sa'yo lang nakatuon ang atensyon ko."

Natawa ako at napailing. I don't really know how to react towards it.

"Natapos 'yon. Hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita. Hanggang sa lumabas 'yong resulta ng exam. Mas nauna ko pa ngang hanapin 'yong pangalan mo kaysa 'yong akin.

Na-disappoint ako no'n dahil nakapasa ako tapos ikaw hindi. Sana pala hindi na lang ako nag-exam kung hindi ka lang din papasa. Akala ko malapit ka na sa'kin pero hindi pa pala."

Aaminin ko, oo, nagugustuhan ko ang mga sinasabi niya. Masarap sa pakiramdam na may nakaka-appreciate sa'yo. Pero bakit gano'n?

"Pero tuwang-tuwa ako nang makita kita sa orientation. Doon ko talaga ipinangakong ikaw na. Ang daming beses kong sinubukang lapitan ka pero lagi na lang akong inuunahan ng kaba."

Ni hindi ko na iniinda ang kanina ko pang pagkakatayo. 'Yong blindfold kong kanina ko pa gustong-gustong tanggalin ay ayaw ko nang tanggalin pa. Natatakot ako sa posibleng kalabasan nito. Kinakabahan ako.

"Noong umuulan na nasa study area ka, gustong-gusto na kitang lapitan. Kung hindi ko lang kasama ang kaibigan ko no'n. 'Lam ko kasing kakantsawan lang ako no'n.

Alam kong nalilito ka dahil may bigla na lang nagko-confess dito sa harapan mo. Siguro nga, hindi mo pa 'ko kilala. At kahit sobrang korni nitong mga sinasabi ko...

Raiah, gusto kita."

I heard him sighed, relieved.

Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at tinanggal ang blindfold.

I saw him standing infront of me.

"C-clay," I almost uttered.

-----

N O T E :

Since, malaki ang parte ng study area sa story na ito. There at the multimedia to widen your imagination!

Enjoy!

F A C T :

Study area talaga ng school namin 'yan, eh. Well, sa loob naman talaga ng campus namin ang setting ng story.


Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon