Nang Ako'y Umibig

17 2 1
                                    

Nang ako'y umibig

Ikaw lagi ang bukambibig

Makita pa lang kita,

ako'y sobra nang maligaya

Ano pa kaya kung  boses mo'y marinig ko na?

Binti ko siguro'y nangangatog sa sobrang kaba

Masaya tayo 'pag magkasama

Malungkot 'pag hindi na


Ikaw ang first dance sa prom

ngunit last dance si Bong

Hindi na kita nakita

Ikaw pala'y umuwi na

Gusto sana kitang maging first and last dance

Pero sa tingin ko ay wala nang chance

Masakit mang isipin,

ngunit kailangang tanggapin


Sayang 'di ko man lang naamin

Ang aking lihim na pagtingin

Si Bong na rin ang nagsabi,

na plano mong umamin no'ng gabi

Lahat pala'y inihanda mo

Upang makamit ang matamis kong 'oo'

Siguro nga itinakda tayong magkita

ngunit hindi itinadhana para sa isa't-isa


Oo, hindi ka nga ang huling sayaw ko

Subalit ikaw ang una at huli sa puso ko

Nagsimula sa pagiging magkaibigan,

sa totoo tayo pala'y tunay na nagmamahalan

Sana maging masaya ka,

Susubukan kong maging maligaya

Kontento na akong ika'y masilayan

at maihatid ka sayong huling hantungan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA ng isang MAKATA (own made)Where stories live. Discover now