Ako si Andrew Roman Senior High sa isang publikong paaralan. Dalawa lang kame Magkapatid ni KUYA GARRETT. Dahil sa pagiging pasaway ni Kuya at ilang beses na bumagsak sa klase ngayong magsisimula na ang ang school year e magkaklase kame. Bata pa lang ako na operahan na ko sa puso dahil sa sakit kong Ventricular Septal Defect. May butas daw ang puso ko kaya bata pa lang ako pina opera na ni nanay bago nawala ang lahat saamen. Dahil sa sakit ko maraming bawal saakin. bawal ang sobrang saya at bawal din akong malungkot ng sobra.Mayaman daw kame sabi ng kapitbahay namen na si Aling Basing. Namatay si tatay right after noong isinilang. Ang sabi sakin ni Nanay kmukha ko daw si Tatay. Sayang nga at di ko man lang sya nakilala o nakita.
" Kuya Gising na! 1st day ng klase. dapat di tayo ma late!!!" kalabit ko kay kuya Garrett.
"Isa pang kalabit uupakan na kita!!!" galit na tugon ni kuya.
"kailangan na naten kumilos." sagot ko kay kuya"Andrew anak! bumangon na at baka mahuli ka sa skwela." sigaw ni nanay.
Biglang bukas ng pinto ng kwarto namen ni kuya at bumungad si nanay.
" aba andrew anak kumilos na." bungad ni nanay
"si kuya kase ayaw pa bumangon." sagot ko kay nanay
" aba Garrett ano bang plano mo sa buhay? di kaba nahihiya sa kapatid mo? hay naku Garrett di ko alam kung kanino ka nagmana." galit na sabi ni nanay.
" andrew nanaman? wala na ba kayong ibang bukang bibig kundi andrew? diba sabi ko sainyo na ayaw ko na mag aral? kayo lang naman ang makulit at inenroll ako diba?" naka kunot na sagot ni kuya kay nanay.
"Punyeta kang bata ka kung makasagot sagot sakin. huh? kung alam ko lang na magiging ganyan ka sana di na kita pinanganak." nakapamewang galit kay kuya garrett.Agad na tumayo si Kuya Garrett sa pagkaka upo nito sakanyang higaan. at sabay bumulong "bakit sa tingin nyo ba ginusto kong maging anak nyo?".
Biglang narinig ito ni nanay at binato sya ng tsinelas. Kumaripas ng pagtakbo si kuya Garrett papunta ng palabas ng kwarto.
"Walang hiya kang bata ka!!!" galit na sambit ni nanay kay kuya.
"nay... tama na ang aga aga mainit nanaman ang ulo mo." nilapitan ko si nanay at niyakap.
"buti na lang talaga andrew at andyan ka. kaya ikaw andeng wag na wag kang gagaya sa kuya mo huh?" seryosong sambit sakin ni nanay.Ngayong magsisimula na ang pasukan maaga nanaman magigising si nanay para ipaghanda kame ng makakain at mababaon sa school. Minsan naaawa na ko kay nanay dahil dumodoble kayod sya para lang makapag aral kame ni kuya Garrett. Tumatanggap sya ng labahan at pati pamamalantsa pinapasok nya na din.
"Wag mong kainin yang Hotdog para yan sa kapatid mo." sigaw ni nanay kay kuya Garrett.
"Sige nay kay Kuya na lang yang hotdog." sambit ko
Malakas na pinukpok ni kuya ang lamesa na halos tumalbog ang lahat na nakapatong rito.
"nakaka walang gana!" galit na sabi nito kay nanay.
Biglang tayo si kuya garrett at kinuha ang polo na naka sabit sa likod ng pintuan at ipinatong ito sa kanyang kanang balikat. Lumabas ng bahay si kuya Garrett bitbit ang kanyang bag at sabay balibag ng pinto. "Mga buwisit!!!" sambit ni kuya.Nakita ko si nanay na tumalikod at alam kong umiiyak sya. kaya nilapitan ko ito at niyakap. "nay ako na po bahala kay kuya. wag kana umiyak. mag aaral po ako ng mabuti para makatapos ng pag aaral. at iaahon ko kayo sa hirap." sambit ko habang yakap ko si nanay.
Pinunasan ko ang luha ni nanay. at sabay dampot ng baon na kanyang inihanda saamen ni kuya.
"Kuya!!!" sigaw ko.
Binilisan ko ang aking paglalakad upang mahabol ko si kuya.
"kuya! sabay na tayo pumasok!" sambit ko habang hinihingal.
Biglang may mahinang batok na sumalubong sakin galing kay kuya Garrett.
"Sino may sabi sayong habulin mo ko? tignan mo nga hinihingal ka? alam mo naman na bawal kang mapagod. tas ano pag may nangyare sayo? ako nanaman ang sisisihin???" sabi ni kuya Garrett.
"Dala ko baon naten kuya. Since magkaklase naman tayo sabay na din tayo kumain." sambit ko sakanya.
"Sayo na yan at pumasok kana.di ako papasok may pupuntahan ako." sambit ni kuya na naka kunot ang noo.
"kuya 1st day ng klase. dapat pumasok ka." sagot ko
"e bat mas marunong kapa?! gusto mo tamaan?." sambit ni kuya na naka amba saakin.
Biglang tumakbo si kuya Garrett papalayo saakin. Di ko na nagawang habulin siya dahil alam kong lalo itong magagalit saakin. Bigla akong nakarinig ng malakas na tinig na tila tumatawag sa pangalan ko.
"Andeng!!!" sigaw ni JOSEPH.
Best Friend ko nga pala si JOSEPH MERCADO o mas kilala sa tawag na SEPTO.
Magkababata kame ni Septo may pagka makulit pero maaasahan naman sa lahat ng bagay. Pagkailangan ng pera talagang maasahan sya lalo na pagdating sa pagkain medyo may pagka matakaw kase eh. Medyo clueless ako sa pagkatao ni Septo kase ever since wala pa tong na kukwento saking nagugustuhang babae. e pagdating naman sa hitsura di naman sya magpapahuli sakin haha...
"Uy Septo...!!!" sambit ko sakanya.
"kumag na to! tara na sabay na tayo pumasok alam ko maglalakad ka nanaman papasok sa skul e." nakatawang biro ni septo.
"alam na this pre. libre mo ko pamasahe." biro ko kay septo.
Biglang dating ng jeep at sumakay na kame papasok sa skwelahan.
BINABASA MO ANG
RIVALS
RandomCharacters : Andrew Roman aka Andeng - Kabaliktaran ni Garrett. Mapagmahal, mapagbigay kayang magparaya para saknyang kuya. Garrett Roman - Blackship sa pamilya. Ngunit may malaking dahilan kung bakit sya naging malaking problema sakanyang pamilya. ...