Ako si Garrett Roman 21 years old. Mas matanda ako kay Andeng. Oo pasaway ako at madalas na napapagalitan ni nanay.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana sa mga ginagawa ko. Bata pa lang kame ni andeng ramdam ko na ang sobrang pagmamahal sakanya ni nanay. Inaamin ko dahil sa sobrang pasaway ko e ilang beses na ko pabalik balik sa high school at eto ngayon magiging magkaklase kame ni andeng. Madalas suki si nanay sa Guidance dahil sa dami kong nabugbog saaming paaralan.
Unang araw ng klase at hindi ako papasok dahil pupuntahan ko ang tropa kong si Bon-Bon. Ayaw ko na mag aral yan ang paulit ulit kong sinasabi kay nanay."bon!!!" tawag ko sa labas ng bahay nila
"uy pare! hulaan ko pinalayas ka ng nanay mo no?" bungad nya saakin
"gago!" sagot ko sakanya
"wow pare di parin nagsasawa nanay mo i enroll ka?" sabay tawa ni mokong
"oo nga pare. buti pa nga nanay mo sumuko na sayo e. teka pare inom tayo!" aya ko kay bon-bon.
"puta pare ang aga inuman? pero sige inom tayo! may pera kaba?" tanong nya.
"wala pare. nilakad ko nga lang mula samin hanggang dito e." sagot ko.
" haha.. sige pare sagot ko." sambit nito sabay labas ng wala galing sa bulsa.
"puta pre dami mong pera! saan galing yan?" nanlaki mata ko sa pera nya sa wallet.
"tsk tsk... di pa lahat yan pre." pagyayabang nito.Pumunta na ng tindahan si bon-bon para bumili ng alak. Pagbalik nito may dalang isang litro ng Empirador at pika pika para pampulutan. Agad na nagsimula na kame saaming inuman. Dami nyang kwento patungkol kung saan nya nakukuha ang mga pera nya. Sa edad na 21 anyos meron na syang Dalawang anak isang 2 yrs old at isang 8months old. alam ko din na panay ang kapit nya sa patalim para lang kumita ng pera.
"ano pre minsan sama ka sakin... sigurado magkaka pera ka!!!" nakangiting aya nito.
"puta ka pre siguraduhin mo lang na walang sabit dyan huh?" sagot ko.
"wala kang bilib sakin e... puta pre kung may sabit di mo na ko makikita dito haha..." sagot nya.
"teka pre ano ba gagawin naten." curious na sagot ko sakanya.
"basta pre maraming trabahong mag aantay sayo. ikaw na mamili." naka ngiting sagot nya.
" gago ka pre minsan wala din akong tiwala sayo eh. haha" nakatawang sagot ko.Mag aalas singko na ng hapon at naka ilang bote din kame ng Empirador. Lasing? di ako nalalasing pero medyo nahihilo ako. Pero syempre kaya ko pa din umuwi. Inabangan ko si Andeng sa kanto ng bahay namen. baka kase magsumbong kay nanay at pagalitan ako. Pero kilala ko si Andeng kahit hindi kame magka sundo e never nya kong nilaglag kay nanay. Umupo muna ko habang inaantay si Andeng para makapag pahinga din. Ayan na at nakikita ko na si Andeng kaya alam ko haha na di ako nalasing.
"oh kuya bakit di ka pumasok?" bungad ni Andeng
"ano ba paki mo? hoy Andeng wag na wag mong sasabihin kay nanay na di ako pumasok huh? kundi baka tamaan ka sakin." naka angil na sabi ko sakanya.
"teka kuya uminom kaba?" sambit ni andeng
"wala kang paki!!!" galit na sambit ko.
"o kuya magpabango ka baka kase maamoy ka ni nanay." sabay abot ng pabango.
Kinuha ko ang pabango at nag spray ng madami saaking damit. Dumating kame sa bahay at wala si nanay. Nilapag ko ang aking bag at sabay higa sa papag. Sarap talagang humiga ng humiga. Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako. Nagising ako bandang 10pm dahil sa kulog ng aking sikmura. Walang tao? Asan kaya sila? daretso ako sa lamesa upang silipan kung ano ang makakain. Walang makain kaya bumalik ako sa kwarto at maghanap ng pera para pangkain. Nakita ko ang alkansya ni Andeng at mukhang maraming laman. binuksan ko at kinuha ang lahat ng pera. Buti pa kapatid ko madami ng ipon. Lumabas ako para kumain. Bumili ako ng isang kahang yosi at nagyosi. matapos maka limang sunod ng sigarilyo nag desisyon na kong umuwi ng bahay at nakita kong umiiyak si Andeng."kinuha mo ba pera ko?" masamang tingin ang bungad saakin.
"ay pera mo ba yun?!" sagot ko sakanya
"ang tanong ko kung kinuha mo pera ko?" galit na sambit nito.
"wag kang mag alala ibabalik ko din yun" sagot ko sakanya sabay higa sa higaan ko.
"bakit mo kinuha?!" pasigaw nasagot ni andeng.
"hindi ka tatahimik? puta ang kulit mo eh. sinabing ibabalik ko din. isa pang salita uupakan na kita." pasigaw na sagot ko
"may pinaglalaanan ako nun pambili ko ng regalo kay nanay." mahinahon na sagot nito
"nakaka intindi kaba? sabi ko diba ibabalik ko din?!" sagot ko.Hindi na nagsalita pa si Andeng at humiga ito sakanyang higaan.
BINABASA MO ANG
RIVALS
De TodoCharacters : Andrew Roman aka Andeng - Kabaliktaran ni Garrett. Mapagmahal, mapagbigay kayang magparaya para saknyang kuya. Garrett Roman - Blackship sa pamilya. Ngunit may malaking dahilan kung bakit sya naging malaking problema sakanyang pamilya. ...