CHAPTER 7

24 4 5
                                    

What is this feeling?


J a z i e l l e


"H-Hey"

"Hmmmm ano ba--"

"Gising na nurse ko"

Teka.. nasaan ba ako ngayon? nurse naba ako---AYYYY NANDITO PALA AKO KELA HORREX!

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at nakatulog ako sa gilid ni Horrex. Nilingon ko si Horrex at nakatingin parin siya saakin. Ano ba'tng nararamdaman ko , biglang may umaano ano ba'to.

"It's 6 in the evening" ani Horrex.

Yawn .. Yawn---What the sprakol?! 6PM na?!

Grabe ang tulog ko ah? Wow as in grabe talaga. Siguro kasi kulang ako sa tulog.

"Kanina kapang nang gigising diyan?" tanong ko kay Horrex.

"Oo. parang ika benteng beses na nga 'to eh." ani Horrex na parang nainis na saakin kasi kanina pa siya gumigising saakin.

Ay grabe Kurt ah?! di ka naman ganyan kagrabe gisingin sa bahay nyo!

"Tulog mantika ka." ani Horrex na tumatawa pa.

"H-Hindi ah! teka .. Okay kana ba?"

"Concern nanaman ang cupcake ko" lambing nyang sabi. Kadiri.

"Tigilan mo nga yang cupcake cupcake mo baka balian kita diyan eh." sabi ko at tinaasan nya naman ako ng kilay. Wow ah.

"Tss." sabi nya. Sa totoo lang kitang kita ang abs nya kasi fitted ang kanyang sando na sinusuot ngayon.

Tinignan ko iyon at para na akong matunaw kakatitig.

"Wag mo nga titigan ang mga pandesal ko"

"Ulul! Di ah , nagugutom lang ako--este gusto ko nang umuwi .. sht"

"Okay cupca--"

"Tumigil ka nga! uuwi na ako!"

"Pfft." pigil nya sa kanyang tawa.

Sus ang abno ng lalakeng 'to parang sprakol talaga. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto nya pero bigla na akong pinigilan. Mainit parin siya pero medyo okay nanaman siya.

"T-Thank You kanina ah"

"Wala lang yun , Una na ako ah? Bye"

"Bye , ingat ka"

Yun lang at naglakad ako papuntang gate nila. Wala akong nakitang tao kanina sa sala , magpapaalam sana ako.

Pagdating ko ng gate ay kinuha ko na si Mochi , medyo na lungkot si Kookie.

Pagdating namin ng bahay ay nakita ko si Jett at T-T-Tom?!

"Hi Noona! San ka galing?" tanong ni Jett.

Sasabihin ko ba sakanila na inalagaan ko si Horrex? tsss wag nalang.

"Ah nag lakad lakad lang kami ni Mochi"

"Hi Jazielle!" bati ni Tom ezzz.

"H-H-Hello Tom"

Naglalaro sila ng Rules of Survival ngayon at ang iingay nilang dalawa.

"Ayun! ayun! Northwest! "

"Hala! patay! tulong Jett heal heal!"

"Ayan na!"

Oo si Tom ay may girlfriend na , ang ganda ng girlfriend niya sobra. At yung body niya , grabe ang kurba , mabait lang si Frezzy , Kaso nung una ko siyang nakita ay akala ko talaga na maldita siya.. Di ako masyadong nag ch-chitchat ni Tom kasi nahihiya ako. Mahiyain talaga ako sa totoo lang , di ko alam kung bakit ganto na ako ka angas , buyset kasi 'tong si Horrex , e , palaging binubuyset ang araw ko. Ultimate crush ko talaga si Tom... kahit na may girlfriend na siya , alam na rin ni Frezzy na crush ko si Tom pero okay lang daw kasi mabait naman raw ako at parang 'di aagawin si Tom sakanya . Ano kaya ang feeling pag may boyfriend ano?

She's Never Been In Love (On-going)Where stories live. Discover now