CHAPTER 2

48 5 0
                                    


Fall?


Somebody's POV  ◀

Tumitingin tingin ako sa school na 'to , ang laki dito kumpara sa school ko dati. Andaming babaeng nag sisigawan ng pangalan ko ngunit hindi ko ito pinapansin .

Bakit ba andaming nag sisigawan at nag titilian dito ?! Eh sa dating school ko hindi naman ganyan yung mga babae dun ah?

"Hi Horrex!" tawag saaking ng isang estudyanteng babae . Hindi ko alam kung paano nila nalaman yung pangalan ko? Hindi ko naman kaklase to tsss... Ayokong mag pansin pansin ng mga babae lalo na sa mga malalandi at talagang nagpapansin.

Hindi ko pinansin o nilingon man lang yung babae kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit parang yung babae kanina ay lumalapit na saakin.

Ramdam ko yung mga kamay nya sa balikat ko, inalis ko naman yun.. Humarap ako sa babae.

"Hi I'm Jennalyn , Jennalyn Flores---"

"Anong kailangan mo miss?" sabi ko sakanya ng inis na tono.

"Nagpakilala lang ako--"

"Bakit?"

"Kasi baka maging close tayo--"

"We'll never be close friends miss.. Wala akong pake kung sino ka. I don't like you , so please , stay away"

Walang salitang umalis sya sa harap ko kaya naman nagpatuloy na ako sa paglakad ko kanina.

Hinahanap ko sina Jett at Tom kasi nawala sila bigla dito sa corridor , nag CR kasi ako kanina. Meron paring nag sisigawan ngunit hindi ko talaga sila pinapansin. Oo snob ako pero ano bang pake nila diba?! Tsss.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang...

"Aray!!" sigaw nito.

Ay anak ng..

Nakabangga ako!

"S-Sorry Miss" sabi ko at nakita kong nag kalat yung mga gamit nyang nahulog. Hindi ko pa nakita yung mukha nya.

Kinuha ko yung mga gamit nya at tska ko ibinigay sakanya. Inangat ko ang ulo ko at ayun nakita ko na yung itsura nyang..

Buhaghag yung buhok , parang walang suklay , parang luma yung suot ,maypagka kulay brown yung hair nya , maputi , medyo chubby , maganda yung mga mata nya , matangos ang ilong at flat chested , pero sya ay isang..

Magandang babae , She's so beautiful

"Sa susunod kasi , tignan mo yung dina daanan mo Mister!" aniya.

"Sorry na miss" sabi ko.

"Sinadya mo sigurong mabangga ako noh?!" sabi nya.

Tinignan ko yung paligid at walang tao.

Nerd pero masungit naman.

Tinignan ko sya ulit at tska ako muling nagsalita.

"H-Hoy wag kang assuming miss ah! B-Baka ikaw?! Sinadya mong makipagbanggaan saakin kasi gwapo't mayaman ako!" mayabang na sabi ko. Nakita ko yung mukha nyang nagulat.

She's Never Been In Love (On-going)Where stories live. Discover now