Little Poem I made

13 3 0
                                    



Untitled



Sa isang iglap
Bigla na lang nawala
Sa isang kisap
Bigla na lang nawasak
Sa mga salitang binitawan
Puso ko'y nasasaktan
Aaminin ko
Ito'y aking kasalanan

Katangahan ang pinairal
Naskatan ang mahal
Pagiging Bobo ko
Ang nagpalayo sayo
Ang katarantaduhan ko
Ngayo'y pagbabayaran
Sa masakit na paraan
Sa damdaming masasaktan

Sa laki ng nagawa
Puso mo'y aking nasira
Sa laki ng kasalanan
Ika'y napakawalan
Dahil sa dakilang Bobo
Ang isang tulad ko
Nawasak ang mahal ko

Bubog ng salamin
Di na maibabalik sakin
Taling naputol
Di na mapagdudugtong
Tiwalang nasira
Ako ang may gawa
Dahil sa di pag-iisip ng tama
Ika' y nagsawa

Di ko maintindihan ang nararamdaman
Parang ayaw nang mabuhay ng matagal
Gusto ng mawala sa mudong tinutungtungan
Mundong ako ang sumira

Masakit ang aking ginawa
Masakit saking damdamin
Lalo na sayong aking mahal pa rin
Di ko kayang ikaw ay mawala
Tama nga ata na ang puso ko'y nawala
Di ko makita, di ko maramdaman
Di ko maintindihan
Aking nararamdaman
Nang makita kang nanghihina
Dahil sa akong tanga
Na minahal mo aking sinta

Di ko na alam ang gagawin
Ngayong ika'y mawawala na sa akin
Ayaw kumilos ng aking katawan
Tinatamad ng bumangon
Nawawalan ng ganang
Gumawa ng nakasanayan na
Kahit na ang pinakagusto pa

Talaga nga namang masakit
Ang makita kang nasasaktan
Dahil sa aking kagagawan
Talaga namang masakit
Ang nagawang pasakit
Sa pusong naakit
Ng aking mapagpanggap na anyo

Salamat sa isang tao
Aking napagtanto
Ako nga talaga'y plastic
Di pinapakita ang galit.

Huli, patawad ang sasabihin
Patawad sa mga nagawa
Nawa ako'y magbago na
Bumalik sa dating ako
Na di ko alam bat naging ganto
Salamat sa sakit
Salamat sa lahat.
Sana ika'y bumalik
Pag ako'y totoo na saking sarili
Sariling niloko ko
Sariling tinago ko
Sa loob ng aking kaanyuan.


~~~~~~~~


Sorry mahal ko. Sorry sa nagawa ko.

~BlackSute

BAT ganun?Where stories live. Discover now