Chanyeol

82 6 44
                                        

"Ipasok mo! IPASOK MO!"

Ang sigaw ng lalaking naka-piercing sa tainga na— sa kasamaang palad ay— katabi ko. Ito ang naging daan upang siya'y bigyan ng masasamang tingin ng mga tao, maging ako mismo.

"PAASA!"

Muli siyang sumigaw, sinabayan pa ng malalakas na pagpadyak ng kaniyang mga paa, ito'y bunga ng hindi pagpasok ng bola sa ring.

Pakiramdam ko'y malapit na masira ang aking pandinig.

Ito ang nag-udyok sa akin upang lumipat sa reserbang upuan na para sana sa aking kaibigan.

"IPASOK NA KASI! NAGHIHINTAY 'YUNG BUTAS O!"

Tila wala pa ring nagbago, ako ay nabibingi pa rin sa malalakas na sigaw ng lalaking ito sapagkat isang upuan lang naman ang aming naging agwat. Hinawakan ko ang aking magkabilang tainga, natatakot na ito'y magsiliparan.

Ilang minuto muna ang lumipas bago ako nasanay sa ingay na naidudulot niya. Itinuon ko na lamang ang aking isipan sa mga manlalaro.

Murang entrance fee ang nag-udyok sa amin ni Hana, ang aking laging late na kaibigan, na manood ng sports fest sa aming paaralan. Nasasabing ito ay isang charity event na kung saan ay ibibigay raw ng kinauukulan ang kanilang mga kinita sa napiling bahay-ampunan.

Maaring sabihing kami ay madaling utuin, at least maraming gwapo dito sa covered court.

"Excuse me, miss." Sa kamumuni ko, mayroon na palang kumakalabit sa balikat ko.

Nagulat naman ako nang malaman ko kung sino.

Byun Baekhyun, isang sikat at poging taekwondo student na pambato ng aming university.

Hinawi ko ang aking buhok at inilagay sa likod ng aking tainga, "Ano 'yun?" Pabebe kong sinabi sa kaniya, tuluyang nilimot ang lalaking sumisigaw sa hindi kalayuan.

Ngunit nawala ang ngiti sa aking mukha nang siya'y muling magsalita.

"Bakante ba 'yang upuan sa tabi mo?"

Ako ay napasubo sa kaniyang itinanong.

Isang Byun Baekhyun ang nais tumabi sa akin, panaginip ba ito?

Subalit aking inalala, paano si Hana?

Kinagat ko ang aking labi, wari'y gustong magbanyo, iniisip kung ano ang isasagot.

Sinong pauupuin ko?

Gwapo o bestfriend?

Paano kung ito na pala ang magiging simula ng aming magandang love story?

Ngunit paano rin kung ito naman ang magiging simula ng hidwaan naming matalik na magkaibigan?

Sinong pipiliin ko?

Mahal ko o mahal ako?

"Miss?"

Tumigil sa paglipad ang aking isipan nang winagayway niya ang kaniyang palad sa aking paningin.

Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim bago sinagot ang komplikadong tanong niya.

"I'm sorry." Siya'y aking taimtim na tinitigan.

Aking nakikita ang lubos na awkwardness sa kaniyang mga mata.

Masakit man, ngunit isasakripisyo ko ang aking nararamdaman para sa aking kaibigan.

"Hindi e."

"Ah ganun ba? Pasensya sa istorbo." Ang sinabi niya bago tuluyang lumayo at naghanap ng mauupuan.

Okay Na Lang, ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon