Pahina 28

3.2K 90 8
                                    

Pahina 28

"Thank you! Pero may mag hehello rin daw sayo, diba Javi?" Ayon ni Isay.

Gustong gusto ko ng umalis. Ano bang nagawa ko sayo Eleissa? Hindi ko malaman kung paano ba magpapaalam sakanila na hindi halatang umiiwas lang ako sa kaibigan nila. Pakiramdam ko halatang halata na hindi na ako komportable.

"Uhm.. Magkikita kita yata kayo nila Ever? Am i right?"

Agad naagaw ni Sera ang atensyon ko at halos naming lahat. I stared at her at ganun rin sya sa akin. Bahagya pa nga syang ngumiti. Thank you so much Seraphina!

"Oo! May usapan kasi kami ngayon kaya hindi ako pwedeng magtagal. Late na late na nga ako eh!" Agad kong sagot.

"Kaya wag na kayong mang-istorbo! Diba, Maiko?" Nakangiting paningit pa ni Keeno kaya naman sabay ko na sila ni Sera na sinuklian ng ngiti rin.

"Uhm.. Paano? Aalis na ko huh? Magenjoy kayo!... And Coreen, i'll see you later. I love you!" Pagpapaalam ko.

Bumeso ako sa kapatid ko at kumaway sakanila bilang paalam. Para pa akong hinahatid ni Daren papalabas kaya mas nawala yung kaba na naramdaman ko kanina.

"Maiko! Wait!" At ngayon nga ay bumalik nanaman yung kaba. Shoot!

Medyo malapit na ako sa pintuan ng halos magecho pa sa lakas ang boses ni Javier. He said my name. Ang tagal na nung huli kong narinig ang tono ng boses nya. Ang tagal na nung huli ko syang nakita.

Nabalitaan ko na ilang buwan ng nakauwi dito si Javier. Ni hindi magtama ang landas namin. Balita ko na maayos ang naging buhay nya habang malayo sya. Successful na sya. Ofcourse alam ko rin na marami syang naging girlfriends doon. As usual, pangpalipas oras nya lang. Not that nakikibalita talaga ako. Siraulo lang talaga si Dave na kahit wala naman akong tinatanong ay basta ikinekwento sa akin ang mga nangyayari kay Javier.

"Tita Koko! Tito Javi is calling you oh!" Ayon pa ni Daren.

Nakagat ko nalang ang ibaba kong labi bago nilingon si Javier. And wow he looks dashing. Parang nagmature ang pagporma nya. Halata mong businessman na nga talaga sya.

Pagkatapos kong sinubukan noon na habulin sya at pigilan sanang umalis, kung ano nalang ang sabihin ni Dave ang sya kong nalalaman tungkol kay Javier. I badly want to go to him just so i can say sorry. That i still love him. Pero pinigilan ko na ang sarili ko. Hinayaan ko nalang kung anong pwedeng mangyari sa lilipas na mga taon. See? Tanga talaga.

Nung malaman kong nakabalik na sya dito, gustong gusto kong tumakbo papunta sa bahay nya pero inisip ko na pano kung may kasama na sya dun? Paano kung may girlfriend syang inuwi dito? O baka asawa na? Tapos baka may mga anak na sila. Mapapahiya lang ako. Inakala ko na hindi na magkukrus ang landas namin.

Until this day comes...

"Here's Tita Maiko na po Tito Javi!" Ayon ni Daren ng sya pa talaga ang nagdala sakin papalapit kay Javier.

I tried my best to just smile na parang wala akong ibang iniisip. Na normal lang. Magkakamustahan lang naman siguro kami. Sasabihin ko na nagtatrabaho na ako sa isang clinic habang sya ay ibanalita na sakin na may pamilya na sya. Jeez! Kailan ba maaalis sa isip ko yun? Pwede namang wala pa. Baka! Sana?

"Yes?" Nakangiti kong tanong. Konti pang kaplastikan at mairaraos ko rin 'to.

"Uhh.. Hello!"

"Hello? Uhm.. Hello din!"

"Kamusta?"

"Ok lang! Medyo busy pero ayos lang naman."

"Uhm.. Good!"

Hindi nya inaalis ang pagtitig sa akin. Nakipaglabanan naman ako ng titigan kahit pakiramdam ko na ang pula pula na ng pisngi ko. What's new? Dala dala ko na talaga 'tong ugali ko na 'to. Ayaw magpatalo. Ayaw sumuko. At hanggang ngayon ay, naaakit parin sakanya.

"May sasabihin ka ba?"

"Uhh.. Maiko— It's so nice to see you again."

Kilalang kilala kita Javier. May gusto kang sabihin pero may pumipigil sayo. Ano yun? Anong iniisip mo ngayon? Gustong gusto kong makiusisa sa kung ano talaga ang tumatakbo sa isip nya pero parang masyado pang maaga para maging feeling close nanaman ako.

"Same here." Tanging lumabas sa bibig ko.

"Sige, aalis na ko! I'll see you around." Agad ko namang dugtong.

Agad ko syang tinalikuran at naglakad palabas sa bahay ni Zancho. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Daren pero nilingon ko lang sya para kumaway bilang paalam at dumeretcho na ng balik sa bahay.

Kinuha ko lang ang sasakyan ko at dumeretcho na sa bahay ni Ever na kasama na si Bella. Para akong wala sa sarili ngayon. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Maybe you two can talk. Wala namang masama dun." Ayon ni Ever.

Agad kong ikinwento sakanila ang nangyari kanina at pinaalam kung ano tong gumugulo sa isip ko ngayon. I just need someone to talk to para mailabas 'tong inaalala ko at nararamdaman ko. At sino pa bang pwedeng umunawa talaga sa akin bukod sa mga kaibigan ko?

"Alam mo, isa lang kasi ang ibig sabihin nyan. Nababahala ka kasi nagaalala ka! Bakit ka nagaalala? Kasi hanggang ngayon mahal mo pa sya at may pakialam ka pa sakanya. Just admit it! Jusko naman Maiko! Limang taon na ang sinayang mo! Magisip isip ka naman!" Ayon naman ni Bella.

"Syempre hindi yun madali para sakanya. Panigurado, she feels guilty kasi sya ang tumapos nung dapat second chance ng relationship nila." Ayon pa ni Ever.

"Masisisi ba natin? For the second time, niloko at sinaktan nanaman sya ni Javier. Aba! Kahit mahal mo ang isang tao, may hangganan rin ang katangahan mo diba? Pero kung after all this years ay talagang di sya maalis alis sa sistema ni Maiko, ano pang sense na umiwas sya? Hay naku! Simpleng bagay, pinapalaki!"

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa topic?"

"Kasi naiinis ako! Kasi alam ko na kung ako ang nasa posisyon nya, wala rin akong gagawin at kakapa-kapa lang sa kung ano ba talagang nangyayari! Kasi alam kong hindi ko kayang magtanong, hindi ko kayang sabihin kung ano talagang nararamdaman ko! Hindi ko kayang umamin! Kaya please lang Maiko! Wag ka ng gumaya! Hindi baleng ako nalang! Kasi alam ko yung hirap. Ayokong pahirapan mo yung sarili mo kung kaya mo namang ayusin yung sitwasyon!"

Tahimik lang kami ni Ever na nakikinig sa tuloy tuloy na pagsasalita ni Bella. Namumula na nga ang mukha nya at nakikita ko ang nagingilid nyang luha. Tumayo si Ever at inabutan ng isang basong tubig si Bella para kumalma sya.

Mayron syang problema. Mayron syang iniintindi. At sa pagkakakilala namin sakanya, hindi nya gugustuhin na madamay kami sa mga intindihin nya. Yung tungkol sa pamilya nya, wala nalang yun. Kahit pinoproblema nya ay basta iningingiti nalang nya yun sa amin. As much as possible, gusto nyang ipinapakita lang sa amin na lagi syang ok at masaya.

Lumapit ako sakanya at yumakap. Ayokong makiusisa sa problema nya dahil hindi rin naman nya ipapaalam yun saamin.

"Makikinig ako sayo. Nagsayang na ako ng panahon. Tama na yun!" Ayon ko.

"Maiko, maraming bagay na pwedeng basta mawala kapag pinabayaan mo. Kung mahal mo pa sya, ipaalam mo sakanya! Wag ka ng magdalawang isip." Malumanay ng ayon ni Bella.

"She's right. Hwag mong sayangin sa kaartehan lang ang buhay mo. Masyadong maikli ang buhay, Maiko. Hindi mo alam kung bukas gigising ka pa ba kaya habang nagagawa mo pang huminga, make the most out of it." Ayon naman ni Ever.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito umakto ang mga kaibigan ko pero ang alam ko lang ay malaki ang naitulong ng mga sermon at payo nila.

Mahabang panahon na ang sinayang ko. Kung wala na nga talaga akong babalikan, then be it! Ayoko ng magisip ng kung ano anong walang katuturan na bagay. Tama si Bella. Bakit ko nga naman pahihirapan pa ang sarili ko kung kaya ko naman ayusin itong sitwasyon.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon