"Hoy panget ! Sabay na tayong pumasok. Kumain ka muna ng breakfast para pagkatapos kong maligo alis na tayo." Sabi ng mapang asar kong kuyang si Xavier Minendez.
"K" Sagot ko nalang. Tss ! Di ko pa talaga nakita at naramdaman na naging sweet yang kuya kong yan. Parang di kami magkapatid kase daig pa talaga namin ang maging aso't pusa.
Wala pa kase sila mama e. On duty palang sila ni papa.
Si mama kase isang MedTech. At si papa naman Radtech. Kaya minsan lang kami magkita-kita pero umuuwi naman sila,yun nga lang minsan gabi na o madaling araw. Di naman kami mayaman may kaya lang kaya ganun nalang kung makapagtodo kayod ang mga magulang namin ni kuya. Actually kakalipat lang namin ngayon sa bagong bahay at lugar na ito.Kase inilipat si mama at si papa sa malapit na Hospital dito. Dahilan na rin para magtransfer kami ng school sa ATKINSON COUNTY HIGHSCHOOL. Ang sosyal nga ng pangalan e. By the way ako nga pala si ALEXANDRA JADE MINENDEZ. Simple lang,walang arte sa katawan :) And Specially NBSB.
"Hoy panget ! Tapos ka na ba jan ? Tara na. Baka malate pa tayo." Sabi ni kuya na dumeretso agad sa labas.
Tsss! Kahit kelan ka talaga ! Xavier Minendez .
"Yaya !! Kayo na pong bahala dito sa bahay." Sigaw ko ,saka dumeretso sa kotse ni kuya. Ayyy mali pala ! Service naming dalawa. Feeling niya kase sakaniya lang tong kotseng to'.
"Seatbelt." Sabi niya.
Pagkalagay na pagkalagay ko palang hinarurot niya na yung sasakyan tumayo lahat ng balahibo ko sa sobrang nerbyos.
"kuuuyaaa aaannooo bbaaa?" Sabi ko na parang nagi-slow motion yung boses ko sa sobrang bilis.
At sa wakas. After 1 mili-second nakarating rin kami.
Bumaba agad si kuya at naglakad papasok sa school. Samantalang ako nasusuka na hirap makatayo.
Nung nalanghap ko ang preskong hangin pagbaba ko,medyo nahimasmasan naman ako saka ko pinagtatadyakan yung gulong ng kotse na nagcause naman ng ingay.
(wiw wiw wiw wiw)
Napatingin tuloy yung mga estudyanteng nasa gate sakin.
Biglang may nagsalita sa likod ko.
"Miss,Pwede bang patahimikin mo yang sasakyan mo ? Di ka ba naiingayan?" Lumingon ako pagkatapos niyang sabihin yun.
Nakita ko ang tatlong gwapong lalake.Este mayayabang pala. Yung isa nakaearphones,tapos yung dalawa nakatingin sakin. Nakangiti yung isa pero yung nagsalita sa likod ko ang sama ng tingin na akala mo kakainin ako ng buhay.
"s-so-sorry . Sorry po." Sabi ko nalang.
"TSs" Sagot niya. Ang yabang ! Akala mo naman kung sino. Nagsorry naman ako a? Kapal ng muka! Grrrr.
Nagpatuloy na silang naglakad ,samantalang yung isa lumingon muna sakin saka ako kinindatan.
Aba ! Maniyak yun a? Hmp. Okay lang yan Aj ! FirstDay palang to. Kaya natin yan. Di mo naman na makikita mga yun e.
******
Nandito na ako sa classroom ko.May mga babaeng nagchichismisan ng kung ano-ano. Para ngang wala silang bagong classmate. Na wala manlang silang pakielam sakin at siyempre ako din,walang pakialam sakanila.
*poke*
Lumingon ako sa likod ko nang may kumalabit sakin.
"Bago ka din ba ?" Tanong ng isang babaeng ubod ng cute.
BINABASA MO ANG
3 is to 1
Teen FictionParang ang hirap atang mamili kung puro gwapo at sikat ang may gusto sayo. Yung tipong sila yung pinakaHOT,COOL,POPULAR,RICH KID sa school niyo? At ang mahirap pa magkakaibigan sila. Pero ang pinakamahirap tanggapin ng marami 'yung hindi ka naman ka...