III

88 4 0
                                    

I'm really amazed na may table sa restaurant na pinuntahan namin na nagkasya kaming lahat.

Well not all of us talaga, most of us.

Nagpaalam na sila Ate Dana na mauuna na daw silang umuwi. They had to drag and cover Alex's mouth to prevent her from squealing even further.

I sat between Kuya Jerom and Ninong Aldin. I know, small word ey. Kaharap ko yung idol ni Alex, a guy with braces and another guy na super cheerful.

"Balita ko champion na naman ang Xavier?" tanong ni Ninong habang kumakain kami

" Opo, panalo po Ninong."

" Aba, ika-ilang panalo na ninyo yan? Undefeated na ang Xavier eversince I could remember. Kamusta naman ang season mo? MVP ba?"

Napatawa ako sa tanong ni Ninong.

"MVP parin po."

" Coach, wala e. Teng kaya 'to." Kuya added confidently

" San mo pala plano magcollege Astrid?"

That made me cough. I wiped my mouth with my handkerchief as discreetly as I could at uminom ng tubig.

"Hindi pa po ako sure kung saan Ninong e. I'm still thinking about it."

"Naglalaro ka rin ng basketball?" Natulala ako ng konti when I realized na yung idol pala ni Alex yung nagtanong.

"Yup, since elementary pa lang I play na."

"Anong position mo?" The guy with the braces asked me naman.

Ok, siguro hindi ko siya masyadong napansin kanina nung nasa Arena pa kami kasi I was distracted with Alex's screaming. Ngayon ko pa siya natingnan ng mas malapitan at mas maigi. Lahat sila ngayon ko pa natingnan sa malapitan.

And the first thing that came into my mind was: Ang gwapo. Period.

Hindi siya yung pang model talaga na kagwapuhan pero iba yung aura niya e. Pang ibang mundo. Plus yung biceps niya na klaro dahil sa shirt na suot niya ngayon.

" Power forward." Poker face kong sabi, buti na lang hidi niya napansin yung pagtitig ko sa kanya.

I saw him bob his head slightly showing a tiny hint of amazement.

"Ah! Tama, kaya pala your face is familiar. Na feature ka kasi sa isa sa mga sports channel na napanood ko. Akala ko magka-surname lang kayo." Sambit numg katabi ni nakabraces

"Xavier Lady Stallion's Power forward, Astrid Teng." Dagdag pa niya habang nakangiti

Ninong insisted na they should properly introduce themselves kaya pagkatapos kumain, isa-isa na silang nagpakilala.

Brent, yung idol ni Alex.

Ricci, yung nakabraces.

At si Prince yung katabi ni Ricci.

Then there's Kib, Santi, Ben, Aljun, Andrei and the list of names goes on for a while.

Ang gaan nila kausap. The whole time na kasama ko sila tawa lang ako ng tawa. Hindi ako na OP kahit isang saglit. Sinasama nila ako sa mga usapan nila ang they would ask questions about myself.

"Nagulat talaga 'ko nung nakita kita kanina."

Bihira lang kasi talaga ako pumunta sa Arena para tumingin ng games nila Kuya Jeron. Sa tv lang ako usually tumitingin. Hassle kasi masyado!

"Sisihin mo si Alex, she was really persistent na isama ako."

My answer made Kuya laugh. He knows kasi na ayaw ko na pinipilit ako na gumawa ng mga bagay na ayaw ko talaga.

After kumain, humingi sila ng pasensya kasi they didn't know na ako pala ang kapatid ng pinakamamahal nilang Teng. Ilang beses ko na rin silang sinabihan na ayos lang.

Maski ako rin naman. I don't really tell all my friends na UAAP star ang dalawa kong Kuya. Nagdadagdag lang ako ng sakit ng ulo sa buhay ko.

Since dala ko yung Mercedes ko, nauna na kong umuwi sa bahay para makapagpahinga ako ng maaga. All that laughing made me tired.

[ IG ]

ricci06rivero followed you

brenttparaiso followed you

What the?! In-off ko yung phone ko and checked IG again para makasiguro na hindi ako pinapaasa ng instagram. Ok, that was fast.

Pati sa twitter rin, the GA started following me. Agad ko sila finollow back lahat. Ako pa ba magiinarte?

Text from Ate Dana

- Evenin' bunsoy! May practice game tayo sa Sat. Training tayo on Monday. Xoxo

Ano ba yan? Bad trip!

_______________________________

Animooo!

End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon