Just a reminder to everyone na nagbabasa nito. Nobody has an amnesia. Walang may nakalimot or nakalimutan, Ok? Yeaah.
~Daneynanaa
_________ _______ _______ _______ _______
"You lived more than you could even remember"
Dayesha's POV
"What is it this time, Cal?" I irritatedly asked him. Ayan nanaman sya sa kinaugalian nya. Lalapit saakin tapos mang-aasar lang. Well, I'll just wish na sana magbago na sya this time
"Are you OK?" I looked at him with disbelief. Tama ba yung narinig ko? Is he really asking me how am I? Or am I Ok?
"Anong nakain mo?" I may sound rude pero shems nakakapanibago sya. Alam ko namang mabait sya, pinaramdam na nya sakin yan dati, pero after mangyari yun?
"Ganyan ba talaga ako kasama?" nagtatampong sabi nya habang sinisimulang kainin yung lunch nya
"Not really. Pero after what happened? Nakakapanibago lang" I honestly said while looking directly at his eyes
"Gusto mo bang ibalik yung---" hindi na naipagpatuloy ni Cal yung sasabihin nya ng biglang tumunog yung first bell. It means we only have 10 minutes left. "Nevermind"
Tumango nalang ako at nagpaalam na sakanya. I need to return these books na hiniram ko sa library before heading to our room.
"Hi, Ibabalik ko na po itong libro" Pero walang response yung librarian namin she just pointed the log book where I have to sign as a proof na ibinalik ko na yung hiniram ko. She's too busy writing and reading-- Kung paano nya yun nagagawa ay hindi ko rin po alam.
After ko magpirma sa log book, ibinalik ko na isa-isa yung books sa kanya-kanya nitong shelf. When I was about to return the last book, the ladder beside was about to fall directly at me. I had no choice but to close my eyes. Kahit tumakbo pa ako its impossible for me na makalayo before pa man tuluyan itong mahulog
But to my surprise, it didn't.
I opened my eyes to see what happened. Bakit hindi natuloy yung paghulog nung ladder? Bakit hindi ako nasaktan?
It was all because of this guy na nagmamay-ari nitong matipunong dibdib. How masculine.
"Ahh I'm sorry- Ah Thank You" hindi ko alam yung sasabihin ko dahil na rin sa pagkabigla. I was so amused and shocked at the same time. How can this guy save me in just a split of seconds?
Ni wala ngang katao-tao sa part na 'to. I looked at my hero. Well, let me rephrase that. I looked at my angel-- Yes, Angel cause he literally looks like an angel.
"Next time be careful" yun lang then umalis na sya. Well, naisecure nya naman yung ladder. I was left still shocked. Sinundan ko ng tingin yung lalaking nagligtas saakin
Then, naalala ko. Kaklase ko sya sa tatlong subjects!
Cal's POV
Nasaan na ba kasi yung babaeng yun? Sabi nya mauna na raw ako kasi may ibabalik sya sa library pero heto nga't naglast bell na'y wala pa rin sya. Malapit nang dumating yung prof namin.
Tumingin ako kaagad ng may pumasok. Pfft- yung isa lang palang kaklase namin.
Napailing-iling nalang ako ng maya-maya'y dumating na yung babaeng pinakahihintay ko. Na halos habulin na yung hininga nya para lang makaabot sa room namin bago pa sya maunahan ng prof namin.
Sayang lang talaga, Kung alam ko lang edi sana napigilan ko kung ano man yung nangyari. Edi sana ako pa rin yung pinili nya at patuloy nyang pipiliin.
"Ang aga ah" pang-iinis ko sakanya nung naupo na sya sa unahan kong upuan. Pero hindi nya ata ako napansin kasi may tinignan sya sa may bandang likuran.
Nung binawi nya yung tingin nya, sinundan ko na kung ano yung tinignan nya-- Si Hadraniel na nakitingin na ngayon kay Dayesha. Nung nakita naman nung lalaking nakatingin ako sakanya sabay bawi ng tingin ang loko
Subukan nya lang maging hadlang sa muling pagkakalapit namin ni Dayesha, makikita nyang hinahanap nya.
Wag lang talaga syang magkakamali.
______________________________________

YOU ARE READING
The Fallen Angel
FantasyEver heard of Fallen Angels? How about Rebel Angels? Well, this story is all about the prohibited romance between a mortal and an angel. Inspired by the 2016 movie The Fallen.