Keeping You Close:01:

229 5 2
                                    

“It’s good to be home for you anak.” Yan agad sabi ng mommy ko pagkababa ko ng kotse tapos yinakap niya ako. Well, I hugged her back kaso pag katapos naming magyakapan she cried again.

“Ma, ayan ka na naman bakit ka na naman ba umiiyak?” I asked her while pinapahid niya luha niya. 

“Kasi naman anak eh, alam mo naman yung napagdaanan mo. Kung alam ko lang na ganun sana ako na lang yung nasa sitwasyon mo.” Still umiiyak pa din si mommy.

“Ma naman. Wag mo ngang sabihin yan.” I try to calm her tapos umeksena si Dad. Good timing. 

“Tama na nga yang drama. Pumasok na kayo sa loob. At ikaw naman mommy, kinukunsinti mo pa ‘tong si Gab na mag-stay dito sa labas, ineexpose mo sa init.” Haha tama nga si Dad na expose tuloy ako sa init.

Pumasok na kami lahat sa loob at itong si yaya napakasaya niya na makita muli ako na okay na talaga and I appreciated her for that. Alam ‘kong nag-alala nga siya sa akin syempre parte na nga din siya ng pamilya namin. Dali-dali na akong umakyat pero hindi naman ako tumakbo. Mahinahon lang yung pag-aakyat ko sa hagdan pero mabilisan kasi excited ako makita yung kapatid ko dahil alam ‘kong miss na ako nun.

Pagkabukas ko ng pinto…

“Kuya!? Kuya Gab?” As expected, magugulat nga itong kapatid ko. 

“Hoy! Gene!” sabi ko at biglaan na lang akong niyakap nitong terong na batang ito.

“Kuya Gab, welcome home!!! Hindi ako nakapaghanda!” 

“Okay lang yan Gene.” Pi-nat ko yung ulo niya. Mabait akong kuya eh pero minsan nag-away na din kami neto.

“Huy Kuya, ngayon ko lang ‘to sasabihin. Na-miss kita sa bahay!” 

“Aba dapat lang na mamiss mo ako kasi walang tumatalo sa’yo sa pag babasketball!” ginulo ko yung makapal na buhok nakakagigil eh.

“Hoy bad ka kuya! Nagpraktis ako! Matatalo na kita sa basketball.” Nag cross arms pa.

“Hindi, Hindi panalo pa din si Kuya. Nga-nga ka pa din sa akin.” Tinawanan ko siya sabihin ba naman yun.

Pagkatapos namin mag debate tungkol sa basketball na kung sino mananalo sa amin, nag bihis na din ako ng pang-bahay at tumingin sa balcony. Na-miss ko ‘tong moment na ito dito sa bahay paano ba naman kasi, naospital nga ako nang matagal.

“Kuya Gab tara laro tayo ng basketball.” Nagyaya ang batang to. Hinila pa ako papasok sa kwarto.

“Hindi na pwede maglaro yung kuya mo.” Nagulat ako at biglang may nagsalita.

“Ganun ba Ma? Hindi na pwede?” nagulat ako hindi ko inexpect na magiging ganun, bakit naman? Porket maglalaro lang. Wala namang masama ah sports naman yun.

“Hindi ka na maglalaro nun Gab. Hindi na yung hiyang sa’yo!” 

“Ha?!? So I can’t play with any sports with kuya?” tanong ni Gene.

“Yes Gene, hindi na siya maglalaro ng kahit na anong takbuhan na games as much as possible.”

Ha Ano?! Hindi ko maintindihan ‘tong si mom. Bakit naman niya sasabihin yun? Sabi nga ng doctor pwede naman ako magsports ah?

“Pero Ma? Anong sports na yung gagawin ko? Magbibilang ng mga bituin?” biglang tumawa yung kapatid ko.

“Funny huh? Kung pwedeng ganun na lang ang makakatulong sa kalusugan lalo na sa heart mo eh di ganun na lang.” 

Eh ano na yung gagawin ko? Wala na talaga akong sports dahil sa sakit na dala ko pang habang buhay.

“Swimming anak. Yun ang sports na pwede sa heart mo.” Ngumiti si mom.

“Haha!!! Swimming!?” tawang-tawa ‘tong si Gene sarap batukan.

At least may sports pa ako, yun nga lang water sports. Sa bagay sabi nga nila sa asthma din daw yun na pwede din sa sakit sa puso.

“So hindi na po talaga ako makakapag basketball?” tanong ko kay mom.

“Pwede pa naman anak pero not this time siguro pag mas malakas ka na kahit papaano. Pero yung mas applicable sa’yo yung swimming sabi ni doctor mo.” 

“Yey! My pag-asa pa para matalo ka kuya. Mag ba-bike na nga lang ako.” Sabi ni Gene habang lumabas na ng kwarto.

“Gene anak! Be Careful ha!?” sigaw ni mom sa door.

“Okay Gab tayo na lang nandito so gusto kita kausapin tungkol sa schooling mo.”

Good idea mom. Sa totoo lang gusto ko ngang pumasok. Gusto ko magkaroon ng diploma. Sayang nga na hindi ako napasama sa graduation ng mga ka batch ko. Oo, tama iniisip niyo ngayong upcoming school sana 1st year college na ako pero ito yung naging kapalaran ko eh na heart attack ako at Rheumatic Heart Disease daw tawag dun na usually marami sa bata at mga kabataan ang nakaka experience nun. Sa kasamaang palad, naging isa ako dun. 

“Oh yun Ma, Gusto ko ng pumasok this school year. Gusto ko nang grumaduate at makakuha ng diploma.” Sabi ko kay mom habang sinara ko yung door sa balcony.

“Pero anak regarding that schooling, napag-usapan namin ng dad mo na next school year ka na pumasok para makapag pahinga ka pa or kahit mag home schooling ka na lang.” demand ni mom.

“Home school? Ayoko nga ma, at kung sakaling papasok ako sa next year pa? Ma, ano na mangyayari sa akin? Puro delay na lang habang yung mga kabatch ko second year  na sa college, ako mag 4-4th year high school pa lang?” nagulat ako sa sinabi ni mom.

Ayokong ma delay ako. Kaya ko naman na eh. Hindi ako weak na tao. Basta lahat ng mga bagay kakayanin ko. Hindi na pwedeng magpatumpik tumpik na lang pero dapat kailangan ko nang kumilos. 

“Pero Gab you have to rest. Hindi naman ‘to sakit na napapahid na sa isang inom ng gamot wala na, kasama mo na sya in a lifetime.” Sabi ni mom.

“Alam ko yun ma, Pero kaya ko naman eh. Kaya ko pa hangga’t sa malakas pa ako ngayon, ayoko na next year pa kasi baka-.” Na pa-tigil ako dun ah.

“Please anak don’t utter that word.” Pagpapa ma-akawa ni mom sa akin.

“Basta ayun Ma. As much as possible gusto ko na makukuha ng diploma. Alam kong kaya ko at kakayanin ko pa. I have to stay strong and faithful.” I changed the topic.

Noong nagkasakit ako, naisipan ko na napakahalaga din pala ng araw, oras, minuto, at mga segundo sa buhay ko. Dati-rati kasi hindi ko talaga iniisip yung ganung bagay kasi lagi akong nag Dodota o kaya anu-anong  pang pampalipas oras. Pero hindi mo alam na baka maya-maya bigla ka na lang kunin ni Lord. Kaya siguro hindi pa Niya ako kinuha kasi may mga bagay pa akong dapat ‘kong ayusin. May mga bagay pa ako ako na dapat malaman, makita at maranasan. Siguro ito ay isa na lamang sa mga pagsubok Niya at may darating na mas mahigit pa. 

“Nag-aalala talaga kami sa iyo Gab eh kasi naman we don’t want to lose you.” Sabay yakap na naman ni mother. Lagi na lang emotional si mommy pag ganito yung nagiging usapan.

“Ma, kaya ko ito okay? Papasok po ako this school year and tatapusin ko yung high school para sa diploma at makakatungtong din ako ng college.” Ngumiti ako kay mom and emotional talaga siya umiiyak siya na nakangiti sa akin.

“Okay fine anak, I trust you kaya sige. Pag-uusapan namin yan ni Dad.” Sabay labas na ni mom sa room.

“Ma… Wait… Thank you for understanding me.” Nginitian ko ulit siya.

Pangako ko na walang mangyayaring aberya sa akin ngayong 4th year ulit ako. Magiging masaya itong 4th year ko at gusto ko magsimula muli, makilal ng mga bagong tao ulit sa buhay ko.

Keeping You Close (LizQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon